Bakit nagdasal si Hesus kung Siya ay Diyos?

SAGOT: Ang Diyos ay espiritu (Juan 4:24), at maaari Niyang ikalat ang Kanyang sarili (Joel 2:28). Nang mahulog sina Adan at Eba sa bitag ni Satanas, nawala ang kanilang buhay na walang hanggan dahil ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23). Ang kaluwalhatiang suot ng kanilang katawan ay nawala, bilang resulta, sila ay dumaranas ng pagkasira ng katawan at kamatayan (Genesis 2:17). At dahil tayo ay kanilang mga supling, minana natin ang kanilang kalagayan, tulad din nila tayo ay dumaranas ng pagkasira ng katawan at kamatayan. Ang taong perpekto o walang kasalanan lamang ang magkaroon ng buhay na walang hanggan, ngunit lahat tayo ay may kasalanan, kaya ang sangkatauhan ay nanganib na mawasak. Ang Diyos ay naghanap ng isang tao upang maging dahilan kung bakit hindi Niya wasakin ang sangkatauhan, pero wala Siyang nakita (Isaias 59:16 & Ezekiel 22:30). Ngunit dahil mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan, gumawa Siya ng plano ng kaligtasan, ipinadala Niya ang Kanyang salita o espiritu at ginawa Ito bilang Kanyang anak sa pamamagitan ng isang decree (Awit 2:7). Ang dahilan kung bakit ipinahayag ang Anak ng Diyos ay upang sirain ang mga gawa ng diyablo (1 Juan 3:8). Kung wala ang kasalanan sa sanlibutan, wala ring anak na ipinahayag. Ang salita, espiritu, o ang anak ng Diyos ay pumasok sa mundo sa pamamagitan ng pagkasilang sa tao (Juan 6:38, Juan 1:14, at Mateo 1:16). Bakit pagkasilang sa tao? Sapagka’t yamang ang kamatayan ay dumating sa pamamagitan ng isang tao, ang muling pagkabuhay ng mga patay ay dumarating din sa pamamagitan ng isang tao (1 Corinto 15:21). Hinarap ni Hesus ang kanyang malupit na tadhana at ganap na sinunod ang batas maging sa kamatayan man sa krus. Ang layunin ng Diyos ay para sa sangkatauhan na magkaroon ng isang perpekto o walang kasalanan na tao upang ito’y maligtas mula sa pagkawasak.

Bakit nagdasal si Hesus? Dahil iyan ang isa sa mga bagay na dapat gawin ng isang tao sa ilalim ng batas _ang magdasal. Kung hindi nagdasal si Hesus at sa halip ginamit ang kanyang pagkaDiyos, hindi siya matatawag na taong walang kasalanan dahil nilabag niya ang batas. Kaya kailangan ni Hesus na mamuhay sa mundo at harapin ang kanyang kapalaran gamit ang kanyang lubos na pagkatao. Bukod dito, ipinaliwanag din niya kung bakit siya nagdasal, ito ay para sa mga tao na maobserbahan upang sila ay maniwala sa Ama na nagsugo sa kanya (Juan 11:41-42). Sa madaling salita, dinakila ni Jesus ang Ama ayon sa hinihingi ng batas _iyon ay upang luwalhatiin ang Ama (Awit 50:15 & Juan 17:4). Kung dakilain mo ang isang tao, kailangan mong magpakumbaba sa kanya, at purihin mo siya. 

∼ο∼

BASAHIN RIN: Cebuano bersyon ng post na ito. Nganong nag-ampu si Hesus kung Siya Ginoo?

Author: Renz Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading