Sabi ng mga makamarcos di raw totoong nagnakaw ang pamilya Marcos, bilang patunay kailan man ay di sila nakombikto sa lahat ng mga kasong inihain laban sa kanila. Ang pamilya Marcos daw ay mabait habang ang pamilya Aquino ang syang totoong salbahe. Kinokontrol umano ni Cory ang mga mamamahayag sa buong mundo dahilan na naging negatibo ang kanilang mga isinulat hinggil sa pamilya Marcos. Sa kasamaang palad, marami namang naniwala sa mga propagandang ito, di man lang gumamit ng sentido komon ang karamihan sa mga Pilipino. Paano ba makontrol sa isang tao ang mga mamamahayag sa buong mundo? Hindi mo nga makontrol ang kaisipan ng asawa o anak mo, ang mga kaisipan pa kaya ng mga tao sa labas ng bansa? Hindi mo mahawakan ang laman ng utak ng tao. Kahit nga si Hesus ay di niya nakontrol ang mga kaisipan ng mga Hudiyo sa pamamagitan ng Kanyang karisma, talino, kabaitan, at milagrong nagawa. Marami pa rin ang hindi naniwala sa kanya noon na galing siya sa panginoon, kaya siya ay pinatay. Tapos, makontrol ni Cory ang mga mamamahayag sa buong mundo? Napakababaw talaga ng mentalidad ng karamihan sa atin para paniwalaan ang nasabing paratang. Tama si Jose Rizal noong sinabi niyang hindi siya takot sa mananakop kundi sa kamangmangan ng mga Pilipino. At ang kahinaan ng mga kaisipan ng mga Pilipino at paghihikahos sa buhay ay pinagsamantalahan ng mga masamang politiko para manalo sa eleksyon at maupo sa mataas na pwesto para magnakaw at mang-abuso.
Si Marcos Sr. ay namatay noong hindi pa nakombikto sa kaso, so paano mo ikulong ang isang bangkay? Kaya inutosan nalang ng korte ang pamilya na isauli o bayaran ang yamang ninakaw nila. Si Marcos ay hindi milyonaryo noong siyay tumakbo bilang presidente. Ang mga link sa ibaba ay mga patunay na nagnakaw nang napakatindi ang pamilya Marcos, pinakamalaking bahagi ng nakaw nila ay galing kay Rogelio (Roger) Roxas. Si Roger Roxas noon ay nakahukay ng Yamashita treasure sa Baguio City. Ayon sa kanya, nakahukay siya ng golden Buddha na may dyamante sa ilalim ng ulo nito. Bukod pa dyan, nakahukay din siya ng isang patong ng mga kahon, na ang kahon ay halos kasing laki ng beer case. Sa tantiya niya, ang sukat ng patong ay 30 feet in length, by 6 feet in height, and by 6 feet in width. Ang isang kahon na dinala niya sa bahay ay may laman na 24 gold bars. Noong nalaman ito ni pangulong Marcos, ipinakompiska niya ang golden Buddha at ang natirang 17 gold bars. Noong nagsumbong si Roxas sa senado, ipinadampot siya ni Marcos atsaka pina-torture para ituro kung saan nakatago ang iba pang gintong kayamanan. Ang pamilya Marcos ay may maraming bilyones na pera at ari-arian na hindi nila maipaliwanag kung saan galing ang mga ito, na siyang naging rason para kompiskahin ng goberno ang ilan sa mga nasabing kinamal na yaman.
1. Noong Nobyembre 17, 1998 ay natalo ang pamilya Marcos sa kasong pang-agaw ng golden Buddha at gold bars galing kay Roger Roxas sa Korte Suprema ng Hawaii. Inutosan ng korte ang pamilya Marcos na bayaran ang kampo ni Roxas ng 22 bilyon dolyares, pero sa kasamaang palad hindi sumunod ang pamilya sa utos ng korte. Isa ito sa dahilan na pinagbawalan ang pamilya na makapasok sa Estados Unidos dahil they are held in contempt. Ang isa pang dahilan ay ang hindi rin pagbayad ng pamilya sa mga human right victim alinsunod sa utos ng korte sa isa pang kaso nila kontra human right victims. Dito natin mabanaag na ugali talaga ng pamilyang ito ang hindi pagsunod sa utos ng korte o goberno lalo na kung itoy makabawas sa kanilang kayamanan.
13. Noong nailipat na ang mga nakaw na pera sa Philippine National Bank galing Switzerland, balak ng Goberno na gamitin ito bilang pambayad sa mga human right victim. Pero ang pamilya Marcos ay umapela sa Sandiganbayan dahilan na naudlot ang pagbayad sa mga human right victim, at nanalo pa sila. Hindi totoo yung alegasyon ni Bongbong Marcos noong vice-presidential debate na ang LP umano ang humadlang sa pagbayad sa mga human right victim, sa halip ang pamilya nila. Umapela din ang PCGG sa Korte Suprema, at natalo ang pamilya Marcos dahil hindi nila maipaliwanag sa korte kung saan galing ang mga perang nakalagay sa mga Swiss bank.
28. Si Bongbong Marcos ay sangkot sa Pdaf scam, sabi ni Janet Napoles mismong opisina ni Bbm ang lumapit sa kanyang opisina, at nag-alok na maglagay ito ng pera sa mga bogus foundation kapalit ang 50% na kickback.
Ang nasa ibaba ay lista ng napakaraming mga proyekto na naging bunga ng BOT/PPP. Tingnan nyo kung gaano ka laki at lawak ang kaunlarang natamo ng Pilipinas dahil sa BOT na isinabatas ni Cory Aquino noon. And take note, si Cory ay hindi nagnakaw at nag-iwan ng malaking utang para pasanin ng mga Pilipino. Sa panahon ni Noynoy Aquino pinahusay pa niya ang BOT/PPP, at doon na nagsulpotan ang bigatin at magagarang mga proyekto. At katulad din ng kanyang ina hindi rin siya nagnakaw at nag-iwan ng malaking utang para pasanin ng mga Pilipino. Sa halip nabasawan pa ang utang ng bansa ng 2.2 Trillion pesos sa kanyang pamuno. Ang kanyang administrasyon ay nagkautang ng 1.4 Trillion pesos pero nakapagbayad naman ng 3.6 Trillion pesos. Ito ang mga pangulong may totoong pagmamahal at malasakit sa bayang Pilipinas. Hindi tulad ng iba dyan na panay sabing mahal nila ang mga Pilipino pero pinagnakawan nila ang kabangbayan, pinagpapatay ang kapwa Pilipino without due process, tinaasan ang mga presyo ng bilihin, at tumatanggap pa ng pera galing China kapalit ang hindi pagiit ng goberno sa panalo natin sa West Philippine Sea.