Ang kaligtasan ay manggaling sa mga Hudyo

Saan manggaling ang kaligtasan? 

Lingid sa kaalaman ng mga Muslim na patuloy na iginiit ang Islam sa mga hindi-Muslim bilang tunay na relihiyon umano, ipinaalam na sa atin ng Tanakh (mga aklat ng mga Hudyo) na ang Kaligtasan ng sangkatauhan ay magmula sa mga Hudyo o Herusalem, at hindi sa mga Arabo o Mecca. Kung ang Islam ay tunay na Abrahamic na Paniwala at ang Dyos ay hindi nagbabago ng Kanyang isip, ang mga Muslim ay dapat makinig sa kung ano ang hinahanap o sinasabi sa Banal na Kasulatan. Si Muhamad ay lubos na bagsak sa pamantayan sa pagkapropeta na isinasaad sa mga aklat ng Tanakh. Sinasabi ng aklat ng Genesis na ang Tipan ng Dyos ay itatatag kay Isaak, at hindi kay Ismael. Sinasabi din ng aklat ni Isaias na ang batas o salita ng Dyos ay lalabas mula sa ‘Zion’ (isang bundok sa Herusalem). Ipinahayag ni Hesus na ang Kaligtasan ay manggaling sa mga Hudyo simula sa Herusalem. Kinumpirma ni San Lukas na ang Ebanghelyo ay kailangang ipangaral muna sa mga Hudyo bago ang mga Hentil (mga hindi Hudyo). Kinumpirma rin ni San Pablo na ang Ebanghelyo na nagdadala ng Kaligtasan ay kailangang ipangaral muna sa mga Hudyo bago ang mga Hentil. 

[Genesis 17:20-21] At tungkol kay Ismael, narinig kita: Narito, aking pinagpala siya, at siya’y aking palalago, at siya’y aking pararamihin na mainam; labindalawang prinsipe ang kanyang magiging anak, at gagawin ko siyang isang malaking bansa. Ngunit ang aking tipan ay aking itatatag kay Isaac, na ipanganganak ni Sara sa inyo sa takdang panahon sa susunod na taon. 

[Isaias 2:3] At maraming mga tao ang darating at magsasabi: “Halika, umakyat tayo sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Diyos ni Hakob. Tuturuan niya tayo ng Kanyang mga paraan upang makalakad tayo sa Kanyang mga landas.” Sapagka’t ang kautusan ay lalabas mula sa Zion, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Herusalem.

[Juan 4:22] Kayong mga Samaritano ay sumasamba sa hindi ninyo nalalaman; sinasamba namin ang aming nalalaman, sapagkat ang kaligtasan ay mula sa mga Hudiyo.

[Lucas 24:47] at ang pagsisisi para sa kapatawaran ng mga kasalanan ay ipangangaral sa kanyang pangalan sa lahat ng mga bansa, magsisimula sa Herusalem

[Mga Gawa 3:23-26] Sapagka’t sinabi ni Moises, ‘Ang Panginoon mong Dios ay magpapatindig para sa iyo ng isang propeta na gaya ko mula sa iyong sariling bayan; dapat makinig ka sa lahat ng sinasabi niya sayo. Ang sinumang hindi makikinig sa kaniya ay lubusang ihihiwalay sa kanilang bayan.’ “Sa katunayan, simula kay Samuel, ang lahat ng propeta ay nagsisihuhula sa mga araw na ito. At kayo ay tagapagmana ng mga propeta at ng tipan ng Diyos sa inyong mga ninuno. Sinabi niya kay Abraham, ‘Sa pamamagitan ng iyong supling ay pagpapalain ang lahat ng mga tao sa lupa.’ Nang ibinangon ng Diyos ang kanyang lingkod, ipinadala Niya muna siya sa inyo upang pagpalain kayo sa pamamagitan ng pagtalikod sa bawat isa sa iyo mula sa iyong masasamang lakad.” 

[Mga Gawa 13:36-39] “Nang maipaglingkod ni David ang layunin ng Diyos sa kanyang sariling henerasyon, siya ay nakatulog; siya ay inilibing kasama ng kanyang mga ninuno at ang kanyang katawan ay naagnas. Ngunit ang binuhay ng Diyos mula sa mga patay ay hindi nakakita ng pagkabulok. “Kaya nga, mga kaibigan, nais kong malaman ninyo na sa pamamagitan ni Hesus ay ipinahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pamamagitan niya ang bawa’t sumasampalataya ay pinalaya sa bawat kasalanan, isang katuwirang hindi mo nakuha sa ilalim ng kautusan ni Moises. 

[Mga Gawa 13:45-47] Nang makita ng mga Hudio ang maraming tao, napuno sila ng paninibugho. Sinimulan nilang salungatin ang sinasabi ni Pablo at pinagbuntunan siya ng pang-aabuso. Pagkatapos, sinagot sila nina Pablo at Barnabas nang buong tapang: “Kailangan muna naming sabihin sa inyo ang salita ng Diyos. Dahil tinatangkilik ninyo ito at hindi ninyo kinikilala ang inyong sarili na karapat-dapat sa buhay na walang hanggan, bumaling kami ngayon sa mga Hentil. Sapagkat ito ang iniutos sa atin ng Panginoon: ‘Ginawa kitang ilaw para sa mga Gentil, para magdala ka ng kaligtasan hanggang sa kasuluksulukan ng mundo.’

[Roma 1:16] Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang ebanghelyo, sapagka’t ang kapangyarihan ng Dios ang nagdudulot ng kaligtasan sa bawa’t sumasampalataya: una sa Hudiyo, pagkatapos ay sa Gentil. 

∼ο∼

Author: Renz Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading