Ngunit sino ang makapagtatayo ng isang bahay para sa Kanya, yamang ang langit, maging ang pinakamataas na langit, ay hindi makapagtataglay sa Kanya? Sino nga ako, upang ako’y magtayo ng isang bahay para sa Kanya, maliban sa isang dako na pagsusunugan ng mga hain sa harap Niya?

Ang Diyos ay isang espiritung indibidwal, at Ito ay napakalaki o malawak, na ang lahat ng kalangitan ay hindi kayang magtataglay sa laki Niya. Ito ang dahilan kung bakit nakikita ang lahat ng bagay at nalalaman ng Diyos ang lahat ng pangyayari dahil napupuno ng espiritu Niya ang kalangitan. Sa katunayan, ang espiritu ng Diyos ang nagbubuhat ng lahat ng bagay sa uniberso. Nasa ibaba ang mga talata sa Bibliya na naglalarawan kung gaano kalawak ang espiritu ng Diyos.

1. [1 Hari 8:27] “Ngunit ikaw, O Diyos, ay maaring manahan sa lupa? Kahit na ang buong kalangitan ay hindi sapat para maglalaman sayo, kaya’t paano magiging sapat itong Templo na aking itinayo? 

2. [2 Cronica 2:6] Ngunit sinong makapagtatayo para sa kanya ng isang bahay, yamang sa kalangitan, maging sa pinakamataas na kalangitan ay hindi siya magkakasiya? Sino ako upang ipagtayo ko siya ng isang bahay, maliban sa isang dakong pagsusunugan ng insenso sa harapan niya?

3. [2 Cronica 6:18]“Ngunit makakatira nga po ba kayo, O Dios, sa mundo kasama ng mga tao? Hindi nga kayo magkakasya kahit sa pinakamataas na kalangitan, ano pa kaya kung sa templo na ipinatayo ko?

4. [Isaias 66:1] Ganito ang sabi ng Panginoon: “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ay kung saan ako nagpapahinga ng aking mga paa. Kaya sa tingin mo ay makakapagtayo ka ng bahay para sa akin? Kailangan ko ba ng lugar para makapagpahinga?

5. [Jeremias 23:24] Maitatago ba ng isang tao ang kaniyang sarili sa mga tagong lugar Upang hindi ko siya makita?” sabi ng Panginoon, “Hindi ko ba pinupuno ang langit at ang lupa?” sabi ng Panginoon. 

6. [Habakuk 3:3] Darating ang Diyos mula sa timog, at ang Banal ay mula sa bundok ng Pharan. Tinakpan ng kaniyang kaluwalhatian ang kalangitan, at ang lupa ay puno ng papuri sa kaniya.

7. [Mga Gawa 7:49] Ang langit ang Aking trono at ang mundo ang Aking tuntungan. Anong uri ng bahay ang inyong itatayo para sa Akin, sabi ng Panginoon, o saan ang Aking dakong pahingahan? 

8. [Efeso 1:23] na siyang Kanyang katawan, ang kapunuan ng Isa na pumupuno ng lahat ng bagay sa lahat ng paraan. 

9. [Efeso 4:10] Ang bumaba ay siya ring umakyat sa itaas ng buong langit, upang mapunan Niya ang lahat ng mga bagay. 

10. [Hebreo 1:3] Ang Anak ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos at tunay na larawan ng kanyang kalikasan bilang Diyos. Siya ang humahawak sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang makapangyarihang salita. Matapos niya tayong linisin sa ating mga kasalanan, umupo siya sa kaitaasan sa kanan ng Diyos na makapangyarihan sa lahat.

11. [Hebreo 4:13] Walang bagay sa lahat ng nilalang na nalilihim sa paningin ng Diyos; ang lahat ay nalantad at nakalantad sa harap ng mga mata Niya na dapat nating bigyan ng pananagutan. 

∼ο∼

BASAHIN DIN: Kung si Hesus ay Diyos, bakit wala Siyang magagawa?

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading