Ang mga mananampalataya ng Islam, mga saksi ni Jehova, mga mananampalataya ng Iglesia Ni Cristo at iba pang mga grupong antikristo ay madalas na sumipi sa Juan 5:30 sa pagsisikap na mapasinungalingan nila ang pagkaDiyos ni Hesus.
[Juan 5:30] Wala akung magagawa sa aking sarili; Ako’y humahatol lamang ayon sa aking narinig, at ang aking paghatol ay matuwid, sapagkat hindi ko hinahangad na bigyang kasiyahan ang aking sarili, kundi ang nagsugu sa akin.
SAGOT: Ang sagot sa tanong ay nasa talata mismo. Gaya ng mapapansin mo sa talata sa itaas, may dahilan kung bakit walang magagawa si Jesus, ito ay dahil hinahangad niyang mapasaya ang Ama na nagsugo sa kanya. Malinaw na hindi ito nangangahulogan na wala siyang magagawa dahil maaari siyang gumawa ng mga himala maging sa pagbangon ng mga bangkay. Ang ibig niyang sabihin ay lahat ng kanyang mga gawa at salita ay naaayon sa kalooban ng Ama. Kung gusto mong pasayahin ang iyong ama, kailangan mong tuparin ang kaniyang hiling, sundin ang kanyang utos, at gawin ang kaniyang kalooban _at iyan ang ginawa ni Hesus. Maaari mong labagin ang utos ng iyong ama anumang oras na gusto mo, ngunit pinili mo itong sundin dahil mahal mo siya, at gusto mo siyang pasayahin. Nasa ibaba ang mga talatang nagsasabi na ginagawa ni Hesus ang kalooban ng Ama;
[Juan 6:38] Sapagka’t bumaba ako mula sa langit, hindi upang gawin ang aking sariling kalooban, kundi upang gawin ang kalooban ng nagsugo sa akin.