Binangkaruta ng pamilya Marcos ang Pilipinas

Hitsura ng EDSA sa panahon ni Marcos Sr., walang imprastraktura

Hitsura ng EDSA after 21 na taong panungkulan ni Marcos Sr.. Kiniklim nina Imee at Bongbong na golden age of infrastructure umano yung termino ng kanilang ama.

Hitsura ng EDSA sa terminong Noynoy. may infrastura

Hitsura ng EDSA pagkatapos ng 6 na taong panungkulan ni Noynoy Aquino. Hindi niya kiniklim na may golden age of infrastructue na nangyari sa kanyang termino.

Ang artikulong ito ay sagot sa paninira ng kampo ni Marcos na binangkaruta umano ni Cory ang Pilipinas. Yung yaman umano na ipinundar ni Marcos Sr. ay binangkaruta ni Cory. Hindi pa sapat na pinatay si Benigno Aquino, ang kanilang kasalanan laban sa mga Pilipino ay ipinahid pa sa pamilya Aquino.

Naniwala ba kayo na malimas ni Cory sa anim na taon lang ang yamang naimbak ni Marcos sa loob ng 21 na taon? Imposibleng mangyari yan, ang totoong nangyari, walang nalimas si Cory pag-upo niya dahil linimas na ng pamilya Marcos ang kabangbayan. Si marcos ay nangungutang ng malaki para nakawin kasama ng kanyang mga alipores. Si Imelda ay nagnakaw din, in fact mas malaki pa ang ninakaw niya sa goberno kaysa kanyang asawa. Si Imelda ay gumasta pa ng napakalaki para sa kanyang hilig sa paggala sa ibat-ibang bansa at pagsha-shopping. Mayroon pang pagkakataon na nagsha-shopping si Imelda worth 3 million U.S. dollars sa parehong araw gamit ang pera ng Central Bank. Nang dahil sa pagkawaldasera ni Imelda naisilang ang salitang Englis na ”imeldific”. 

Para sa kaalaaman ng lahat, nabangkaruta ang gobernong Marcos noong 1983 at lubog pa ito sa utang sa halagang 24 bilyon dolyares. Itong nasabing utang ay 72% ng GDP ng Pilipinas noong 1983 kaya hindi nakapagtatakang nadapa ang kanyang goberno. Noong 1985, ang utang ng Pilipinas ay umabot ng 26 Billion dolyares, ito ay 82% sa GDP ng Bansa. Halos puro nalang kasi utang at tanggap ng mga donasyon ang ginawa niya. Kaya nga sumikat ang ukay-ukay sa administrasyong Marcos dahil yan sa matinding kahirapan ng mga tao. Ang ukay-ukay ay nagsimula sa mga segunda manong mga damit na bigay ng mga bansa sa Hilagang Amerika at Yuropa para sa Pilipinas. Hindi naglaon ginawa itong negosyo ng mga Pilipino. Biruin mo ultimo damit ay hirap makabili ang karamihan sa mga Pilipino noong rehiming Marcos. Kailangan pa nilang mag-iipon sa alkansya nang taonan para makabili ng mga damit sa itinakdang panahon, kadalasan pagsapit ng pista. Karamihan sa mga tao sa panahong Marcos ay butasbutas ang kanilang mga damit. Pati panty ay butasbutas din tapos isinuot pa rin ito ng mga kababaehan noon dahil wala silang ibang maisuut. Karamihan din sa kabataan noon ay walang saplot lalo na sa pang-ibaba, kung mayron mang saluwal ay may butas ito sa puwetang bahagi. Sa panahon ni Marcos, halos lahat ng kalsada ay may lubaklubak. Minsan sumakit pa ang puwet mo kapag mahulog ang gulong ng sinakyan mo sa hukab ng kalsada. Sa pagdaan ni Noynoy halos lahat ng mga kalsada ay napasemento niya, at kalidad na daan pa, with 1-foot thick road and reinforced with 1-inch concrete bars. Yung ipinagmalaki ng buildbuild na marami na umano ang natapos nilang kalsada ay 90% bayad na yon sa terminong Noynoy. 

Walang magaling na estratehiya si Marcos kung paano ang goberno niya makapag-generate ng malaking income nang saganon umasenso ito. Para makautang ng malaki at maraming magpautang sa kanya, si Marcos ay gumawa pa ng batas (Presidential Decree 1177) na nag-uutos na unahin ng goberno ang pagbabayad ng utang sa labas kaysa pangangailangan ng mga Pilipino. Ang batas na ito ay tinatawag ding Automatic Appropriations law dahil automatic na kaltasin sa income ng Pilipinas ang halagang ipambayad sa utang. Ang Pilipinas lang ang tanging bansa na may ganitong klaseng batas. Sa tindi ng pagkabangkaruta, si Marcos ay humingi pa ng 90-day moratorium sa mga creditor sa U.S. ng ilang beses. Ang moratorium ay isang palugit (delay of payment) na ibinigay ng mga creditor doon sa mga debtor nila katulad ng Pilipinas. Kaya nakakahiya yung nangyari sa Pilipinas sa pamunu ni Marcos na nagmakaawa pa sa mga creditor para ipagpaliban nila ang pagsingil ng utang.

Sa termino ni Marcos ang Pilipinas ay naging mahirap pa sa daga, na binansagan ito ng mundo bilang “sick man of Asia”. Maraming kabataan ang naging malnourished partikular na sa Negros. Ang mga taga ibang bansa ay nagbibigay ng mga donasyon sa Pilipinas dahil sa matinding kahirapan. Yung Nutribun (libreng tinapay para malabanan ang malnutrition) na ipinagmalaki rin ng mga Marcos bilang kanilang akda umano ay donasyon pala ng U.S. Aid. Dagdag pa, si Marcos ay naitala sa Guiness book of Record bilang pinakakawatan na opisyal ng goberno sa buong mundo. Kaya matinding dungis ang ipinahid ng pamilya Marcos sa mukha ng Pilipinas sa harap ng international community. At ang reyalidad na ito ay dumagdag pa sa takot ng mga investor para mamuhunan sa bansa. Sino ba ang mamumuhan sa isang bansang diniktahan ng pinakakawatan sa buong mundo? Ang masaklap, kiniklim pa nina Imee at Bongbong na golden age yong kapanahonan ng tatay nila. Kung golden age pa yon, bakit nagkautang ng 26 bilyon dolyares ang Pilipinas sa pamunu ng pamilya nila? Bakit maraming mga tao ang walang trabaho at malnourished? Bakit binibigyan ng mga donasyon ang goberno ng tatay nila? Sa katunayan, si Marcos ay regular na tumatanggap ng donasyon galing U.S. para maibsan sana ang kahirapan ng mga Pilipino. Pero ibinolsa ng pamilya ang perang ibinigay at ipinagbili pa ito ng mga magagarang ari-arian sa Amerika. Noong 1986, lumala pa ang sakit ng bansa hanggang sa napilitan si Marcos na mag-decree na ibenta ang ibang ari-arian ng goberno para pambayad ng mga inutang niya. Ang akma sanang sabihin nina Imee at Bongbong ay golden age yon para sa pamilya nila. Ang mag-asawang Ferdinand Sr. at Imelda ay hindi milyonaryo sa pag-upo nila sa Malakanyang  _600,000 pesos lamang ang asset nila. At kahit pa pagsamahin ang mga sweldo nina Ferdinand Sr at Imelda sa loob ng 20 na taon, umabot lamang ng 16,408,442 pesos. Kaya nga natalo sila sa korte ng Switzerland at korte ng Pilipinas dahil hindi nila maipaliwanag kung saan nanggaling yong 356 million dolyares.   

Si Marcos ay nangungutang ng malaki para sa layunin niyang golden age of infrastructure umano. Pero halos wala kang makitang infrastructure na naipatayo niya na matatawag nating big-ticket projects. Kung susumahin natin, mga sampo lang ang naipatayo ni Marcos sa loob ng kanyang 21 na taong panungkulan. So, kalahating infrastructure lamang ang naipatayo niya bawat taon in average. Bakit ba nangyari ito? Dahil hindi naman ang kapakanan ng mga Pilipino ang prayoridad ng gobernong Marcos. Lumikha lang sila ng mga proyekto para magkaroon ng pagkakataong makapagnakaw. Ang estilo ni Marcos Sr. ay ginaya rin ni Duterte, tinatakot ang mga tao sa pamamagitan ng extrajudicial killings, hinahayaan niyang magnakaw ang mga sakop ng kanyang kabinete, at nangungutang ng malaki para umano sa golden age of infrastructure pero kunti lang ang naipatayo. Kaya nga inangkin nalang ng kanyang buildbuild ang mga proyekto ni Noynoy na napaloob sa PPP para magmukha siyang mahusay sa mata ng publiko. Bakit ba mas pinili ni Duterte na mangutang para itustos sa kanyang buildbuild program sa halip na gumamit siya ng PPP na wala sanang gastosin ang goberno? Ito ay dahil kapag PPP system ang gagamitin, ang pribadong sektor ang may hawak ng budget dahil sila ang mag-build ng project. Therefore walang kontrol ang goberno sa financing, at dahil hindi sila ang may hawak ng budget, hindi sila makapagnakaw.  

Ang mga kritiko ni Marcos noon ay pinadampot, pina-torture, pinakulong, at yung iba ay pinaslang pa, kaya dumarami ang nagrebelde. Sa termino ni Marcos nabuo ang dalawang malaking rebel group sa bansa. Noong 1969 nabuo ang CPP-NPA at noong ng 1972 nabuo ang MNLF. Sa umpisa ng panungkolan ni Marcos 60 lang ang bilang ng mga rebelde, pero sa pag-alis niya ay umabot ng mahigit kumulang 5,000 ang bilang ng mga rebelde. Sabi ng mga makaMarcos disiplina daw yung martial law, pero anong nangyari? Umabot ng libolibo ang bilang ng mga rebelde sa halip. Dahil di naman disiplina ang kanilang ginagawa kundi abuso ng karapatang pantao kaya marami ang nag-aklas. Subukan mong abusohin ang anak mo di ba lalaban yan sa iyo. Kagaya rin ni Marcos libolibo rin ang pinatay sa administrasyon ni Duterte. Ang kagulohan sa Pilipinas ay ang pangunahing dahilan kung bakit nagsialisan ang mga negosyante. Walang gustong magnegosyo sa gobernong magulo, walang respito sa batas, at walang paggalang sa karapatang pantao. Wala ring turista ang gustong mamasyal sa bansang barbaro dahil walang seguridad. 

Sa ibaba ay mga link ng mga ebidensya na nagpatunay na nabangkaruta ang gobernong Marcos noong 1983, dahilan na humingi siya ng mga moratorium sa 450 creditors sa pamamagitan ng kanyang prime minister noon na si Cesar Virata. 

1.) Inilathala ng New York Times noong Oktubre 15, 1983 ang paghingi ng Pilipinas ng delay of loan payments sa mga creditor

2.) Noong Septembre 22, 1987, Inilathala ng University of Chicago Press ang pang-ekonomiyang krisis sa Pilipinas dulot ng labis na pangungutang at korapsyon na nangyari sa terminong Marcos https://www.nber.org/system/files/chapters/c7525/c7525.pdf  

4.) Sa Philippine Business Conference noong Nobembre 1983, ipinaalam ni Marcos na ipinadala niya si Cesar Virata sa U.S. para makapag-negotiate ng rescheduling of loan payments, atsaka makahanap ng ibang mautangan aside from 450 creditors. Dito rin sa Philipine Business Conference na ito ay sinabi ni Marcos na bumagsak ang halaga ng peso ng 21.4%  https://www.officialgazette.gov.ph/1983/11/10/address-of-president-marcos-on-the-9th-philippine-business-conference/  

5.) Si Marcos ay humingi ng palugit sa 450 na pinag-utangan niya 

6.) Kahirapang natamo ng mga Pilipino sanhi ng malaking utang at korapsyon ng gobrernong Marcos 

7.) Ang Pilipinas nakaharap sa krisis ng pagkakautang 

6.) Kasaysayan ng ekonomiya ng Pilipinas sa terminong Marcos 

8.) Inilathala ng Inquirer.net ang pagkabangkaruta ng Pilipinas sa terminong Marcos at paghingi niya ng 90-day moratorium sa mga creditor, at massive corruption na ginawa niya. https://opinion.inquirer.net/99481/the-marcos-debt

9.) Ang ugat ng kahirapan ng Pilipinas 

10.) Sa taong 2025 pa matapos ang pagbabayad ng mga Pilipino sa inutang ng pamilya Marcos 

Author: Renz Pejana Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

2 thoughts on “Binangkaruta ng pamilya Marcos ang Pilipinas”

Leave a Reply

%d bloggers like this: