Mga patunay na magnanakaw ang pamilya Marcos


Sabi ng mga makamarcos di raw totoong nagnakaw ang pamilya Marcos, bilang patunay kailan man ay di sila nakombikto sa lahat ng mga kasong inihain laban sa kanila. Ang pamilya Marcos daw ay mabait habang ang pamilya Aquino ang syang totoong salbahe. Kinokontrol umano ni Cory ang mga mamamahayag sa buong mundo dahilan na naging negatibo ang kanilang mga isinulat hinggil sa pamilya Marcos. Sa kasamaang palad, marami namang naniwala sa mga propagandang ito, di man lang gumamit ng sentido komon ang karamihan sa mga Pilipino. Paano ba makontrol sa isang tao ang mga mamamahayag sa buong mundo? Hindi mo nga makontrol ang kaisipan ng asawa o anak mo, ang mga kaisipan pa kaya ng mga tao sa labas ng bansa? Hindi mo mahawakan ang laman ng utak ng tao. Kahit nga si Hesus ay di niya nakontrol ang mga kaisipan ng mga Hudiyo sa pamamagitan ng Kanyang karisma, talino, kabaitan, at milagrong nagawa. Marami pa rin ang hindi naniwala sa kanya noon na galing siya sa panginoon, kaya siya ay pinatay. Tapos, makontrol ni Cory ang mga mamamahayag sa buong mundo? Napakababaw talaga ng mentalidad ng karamihan sa atin para paniwalaan ang nasabing paratang. Tama si Jose Rizal noong sinabi niyang hindi siya takot sa mananakop kundi sa kamangmangan ng mga Pilipino. At ang kahinaan ng mga kaisipan ng mga Pilipino at paghihikahos sa buhay ay pinagsamantalahan ng mga masamang politiko para manalo sa eleksyon at maupo sa mataas na pwesto para magnakaw at mang-abuso.

Si Marcos Sr. ay namatay noong hindi pa nakombikto sa kaso, so paano mo ikulong ang isang bangkay? Kaya inutosan nalang ng korte ang pamilya na isauli o bayaran ang yamang ninakaw nila. Si Marcos ay hindi milyonaryo noong siyay tumakbo bilang presidente. Ang mga link sa ibaba ay mga patunay na nagnakaw nang napakatindi ang pamilya Marcos, pinakamalaking bahagi ng nakaw nila ay galing kay Rogelio (Roger) Roxas. Si Roger Roxas noon ay nakahukay ng Yamashita treasure sa Baguio City. Ayon sa kanya, nakahukay siya ng golden Buddha na may dyamante sa ilalim ng ulo nito. Bukod pa dyan, nakahukay din siya ng isang patong ng mga kahon, na ang kahon ay halos kasing laki ng beer case. Sa tantiya niya, ang sukat ng patong ay 30 feet in length, by 6 feet in height, and by 6 feet in width. Ang isang kahon na dinala niya sa bahay ay may laman na 24 gold bars. Noong nalaman ito ni pangulong Marcos, ipinakompiska niya ang golden Buddha at ang natirang 17 gold bars. Noong nagsumbong si Roxas sa senado, ipinadampot siya ni Marcos atsaka pina-torture para ituro kung saan nakatago ang iba pang gintong kayamanan. Ang pamilya Marcos ay may maraming bilyones na pera at ari-arian na hindi nila maipaliwanag kung saan galing ang mga ito, na siyang naging rason para kompiskahin ng goberno ang ilan sa mga nasabing kinamal na yaman. 

1. Noong Nobyembre 17, 1998 ay natalo ang pamilya Marcos sa kasong pang-agaw ng golden Buddha at gold bars galing kay Roger Roxas sa Korte Suprema ng Hawaii. Inutosan ng korte ang pamilya Marcos na bayaran ang kampo ni Roxas ng 22 bilyon dolyares, pero sa kasamaang palad hindi sumunod ang pamilya sa utos ng korte. Isa ito sa dahilan na pinagbawalan ang pamilya na makapasok sa Estados Unidos dahil they are held in contempt. Ang isa pang dahilan ay ang hindi rin pagbayad ng pamilya sa mga human right victim alinsunod sa utos ng korte sa isa pang kaso nila kontra human right victims. Dito natin mabanaag na ugali talaga ng pamilyang ito ang hindi pagsunod sa utos ng korte o goberno lalo na kung itoy makabawas sa kanilang kayamanan.

2. Marcos Japanese ODA scandal

3. Unexplained wealth of the Marcos family

4. Marcos’ Plunder and wealth

5. 4 NEW YORK BUILDINGS CALLED MARCOS GIFTS TO WIFE

6. Former Marcos mansion in New York to be auctioned off

7. Ang 500 Milyon dolyares na presyo ng pagpatayo ng Bataan Nuclear Plant ay ginawang 2.2 bilyon dolyares ni Marcos, ibig sabihin pinatongan niya ito ng mahigit 1.7 bilyon dolyares. At ito ay inutang pa, na kasama sa binayaran ng mga pilipino sa loob ng 33 na taon. Lahat ng mga proyekto sa ilalim ng diktadoryang Marcos noon ay inutang.

8. Noong March 14, 1986, inilathala ng New York Times ang tungkol sa 800 million dollars na itinago ni Marcos sa Swiss Banks

9. Nadiskobrehan ang mga code name na ginamit nila Ferdinand at Imelda Marcos sa kanilang Swiss accounts para di matonton ang mga nakaw na yaman. Ang kanilang mga pera sa Swiss banks at ang mga perang ipinambili nila ng mga building sa Manhattan ay pinaniwalaang galing sa foreign economic aid, assistance funds ng U.S., at mga kickback galing sa mga proyekto ng goberno. 

10. Kinompiska ng gobernong U.S. ang 22 boxes of paper money, mga ginto, at mga alahas na dinala ni Marcos sa Hawaii noong siyay lumayas

11. Kinompiska ng gobernong U.S. ang mga pera sa bangko, mga painting, at propyedad ng mga Marcos na nagkahalaga ng P1 Billion 

12. Pamilya Marcos ay natalo sa kaso nila sa Switzerland; a. Swiss Banks Ordered to Give Marcos Millions to Philippines, b. Switzerland Court Orders Transfer of Ferdinand Marcos Assets to Philippines

13. Noong nailipat na ang mga nakaw na pera sa Philippine National Bank galing Switzerland, balak ng Goberno na gamitin ito bilang pambayad sa mga human right victim. Pero ang pamilya Marcos ay umapela sa Sandiganbayan dahilan na naudlot ang pagbayad sa mga human right victim, at nanalo pa sila. Hindi totoo yung alegasyon ni Bongbong Marcos noong vice-presidential debate na ang LP umano ang humadlang sa pagbayad sa mga human right victim, sa halip ang pamilya nila. Umapela din ang PCGG sa Korte Suprema, at natalo ang pamilya Marcos dahil hindi nila maipaliwanag sa korte kung saan galing ang mga perang nakalagay sa mga Swiss bank.

14. Ill-Gotten Wealth Recognized by the Philippine Supreme Court

15. Filipino panel recovers $1 billion of Marcos assets in 100 days

16. Ang Goberno ng Pilipinas nakarekober ng P174 bilyon galing sa nakaw ng pamilya Marcos, at may P125 bilyon pang pwedeng mabawi

17. Marcos dummy for money laundering held 8 million francs in Swiss bank until 2006

18. Imelda Marcos guilty of 7 counts of graft; court orders her arrest

19. Sandiganbayan orders return of hundreds of millions in Marcos ill-gotten wealth to govt

20. Sandiganbayan orders Marcos’ Traders Royal Bank to pay PH gov’t P96M, $5.4M in Marcos ill-gotten wealth

21. Government to auction Marcos ill-gotten properties

22. Noong terminong Ramos, si Bongbong Marcos ay nag-alok na isauli ang nakaw kapalit ang 25% na kickback

23. Ang ginastos ng pag-aaral ni Bongbong Marcos sa Oxford at Wharton ay galing sa kabangbayan

24. Senator Bongbong Marcos confirmed he had a direct hand in trying to withdraw US$213 Million from a Swiss bank in 1986

25. Bongbong Marcos kombiktado sa hindi pagbayad ng income tax

26. Pamilya Marcos ay ayaw bayaran ang P203.8 billion na estate tax nila

27. Inutosan ng COA si Bongbong Marcos na isauli ang P10 Million pork money

28. Si Bongbong Marcos ay sangkot sa Pdaf scam, sabi ni Janet Napoles mismong opisina ni Bbm ang lumapit sa kanyang opisina, at nag-alok na maglagay ito ng pera sa mga bogus foundation kapalit ang 50% na kickback.

29. Ayon sa COA, si Bongbong Marcos ay naglagay ng P200 Million ‘pork’ sa mga NGO ni Napoles

30. Si Imee Marcos ay harapharapang nagsisinungaling sa senado, tatlong pagbili niya ng mga sasakyan noong gobernadora pa siya ay hindi pala dumaan sa bidding lahat.

31. How Imee Marcos got away from paying $4M in damages for Trajano death

32. Nailipat na ni Irene Marcos ang kanyang 13.2 Bilyon dolyares galing Swiss bank papuntang British Virgin Islands noong 2000. Mas mayaman pa si Irene Marcos kaysa may-ari ng SM

33. Sandiganbayan: Swiss foundations were set up to benefit Marcos family

34. Irene, Imee, and Bongbong Marcos were beneficiaries of Imelda’s Swiss foundations

35. Bakit hindi nakulong ang pamilya Marcos kahit convicted sila sa pagnanakaw?

36. Si Ferdinand Marcos Sr. ay nailathala sa Guiness World of Records bilang pinakakawatan sa isang Goberno

37. Balak ng pamilya Marcos na isauli ang ibang ninakaw nila, ito ay malakas na ebidensya na nagnakaw sila dahil bakit naman nila isauli ang perang sa kanila?

∼ο∼

ALSO READ: Wala bang nagawa si dating pangulong Cory Aquino?

  

Author: Renz Pejana Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

Leave a Reply

%d bloggers like this: