Mga patunay na magnanakaw ang pamilya Marcos


Sabi ng mga makamarcos di raw totoong nagnakaw ang pamilya Marcos, bilang patunay kailan man ay di sila nakombikto sa lahat ng mga kasong inihain laban sa kanila. Ang pamilya Marcos daw ay mabait habang ang pamilya Aquino ang syang totoong salbahe. Kinokontrol umano ni Cory ang mga mamamahayag sa buong mundo dahilan na naging negatibo ang kanilang mga isinulat hinggil sa pamilya Marcos. Sa kasamaang palad, marami namang naniwala sa mga propagandang ito, di man lang gumamit ng sentido komon ang karamihan sa mga Pilipino. Paano ba makontrol sa isang tao ang mga mamamahayag sa buong mundo? Hindi mo nga makontrol ang kaisipan ng asawa o anak mo, ang mga kaisipan pa kaya ng mga tao sa labas ng bansa? Hindi mo mahawakan ang laman ng utak ng tao. Kahit nga si Hesus ay di niya nakontrol ang mga kaisipan ng mga Hudiyo sa pamamagitan ng Kanyang karisma, talino, kabaitan, at milagrong nagawa. Marami pa rin ang hindi naniwala sa kanya noon na galing siya sa panginoon, kaya siya ay pinatay. Tapos, makontrol ni Cory ang mga mamamahayag sa buong mundo? Napakababaw talaga ng mentalidad ng karamihan sa atin para paniwalaan ang nasabing paratang. Tama si Jose Rizal noong sinabi niyang hindi siya takot sa mananakop kundi sa kamangmangan ng mga Pilipino. At ang kahinaan ng mga kaisipan ng mga Pilipino at paghihikahos sa buhay ay pinagsamantalahan ng mga masamang politiko para manalo sa eleksyon at maupo sa mataas na pwesto para magnakaw at mang-abuso.

Si Marcos Sr. ay namatay noong hindi pa nakombikto sa kaso, so paano mo ikulong ang isang bangkay? Kaya inutosan nalang ng korte ang pamilya na isauli o bayaran ang yamang ninakaw nila. Si Marcos ay hindi milyonaryo noong siyay tumakbo bilang presidente. Ang mga link sa ibaba ay mga patunay na nagnakaw nang napakatindi ang pamilya Marcos, pinakamalaking bahagi ng nakaw nila ay galing kay Rogelio (Roger) Roxas. Si Roger Roxas noon ay nakahukay ng Yamashita treasure sa Baguio City. Ayon sa kanya, nakahukay siya ng golden Buddha na may dyamante sa ilalim ng ulo nito. Bukod pa dyan, nakahukay din siya ng isang patong ng mga kahon, na ang kahon ay halos kasing laki ng beer case. Sa tantiya niya, ang sukat ng patong ay 30 feet in length, by 6 feet in height, and by 6 feet in width. Ang isang kahon na dinala niya sa bahay ay may laman na 24 gold bars. Noong nalaman ito ni pangulong Marcos, ipinakompiska niya ang golden Buddha at ang natirang 17 gold bars. Noong nagsumbong si Roxas sa senado, ipinadampot siya ni Marcos atsaka pina-torture para ituro kung saan nakatago ang iba pang gintong kayamanan. Ang pamilya Marcos ay may maraming bilyones na pera at ari-arian na hindi nila maipaliwanag kung saan galing ang mga ito, na siyang naging rason para kompiskahin ng goberno ang ilan sa mga nasabing kinamal na yaman. 

1. Noong Nobyembre 17, 1998 ay natalo ang pamilya Marcos sa kasong pang-agaw ng golden Buddha at gold bars galing kay Roger Roxas sa Korte Suprema ng Hawaii. Inutosan ng korte ang pamilya Marcos na bayaran ang kampo ni Roxas ng 22 bilyon dolyares, pero sa kasamaang palad hindi sumunod ang pamilya sa utos ng korte. Isa ito sa dahilan na pinagbawalan ang pamilya na makapasok sa Estados Unidos dahil they are held in contempt. Ang isa pang dahilan ay ang hindi rin pagbayad ng pamilya sa mga human right victim alinsunod sa utos ng korte sa isa pang kaso nila kontra human right victims. Dito natin mabanaag na ugali talaga ng pamilyang ito ang hindi pagsunod sa utos ng korte o goberno lalo na kung itoy makabawas sa kanilang kayamanan.

2. Marcos Japanese ODA scandal

3. Unexplained wealth of the Marcos family

4. Marcos’ Plunder and wealth

5. 4 NEW YORK BUILDINGS CALLED MARCOS GIFTS TO WIFE

6. Former Marcos mansion in New York to be auctioned off

7. Ang 500 Milyon dolyares na presyo ng pagpatayo ng Bataan Nuclear Plant ay ginawang 2.2 bilyon dolyares ni Marcos, ibig sabihin pinatongan niya ito ng mahigit 1.7 bilyon dolyares. At ito ay inutang pa, na kasama sa binayaran ng mga pilipino sa loob ng 33 na taon. Lahat ng mga proyekto sa ilalim ng diktadoryang Marcos noon ay inutang.

8. Noong March 14, 1986, inilathala ng New York Times ang tungkol sa 800 million dollars na itinago ni Marcos sa Swiss Banks

9. Nadiskobrehan ang mga code name na ginamit nila Ferdinand at Imelda Marcos sa kanilang Swiss accounts para di matonton ang mga nakaw na yaman. Ang kanilang mga pera sa Swiss banks at ang mga perang ipinambili nila ng mga building sa Manhattan ay pinaniwalaang galing sa foreign economic aid, assistance funds ng U.S., at mga kickback galing sa mga proyekto ng goberno. 

10. Kinompiska ng gobernong U.S. ang 22 boxes of paper money, mga ginto, at mga alahas na dinala ni Marcos sa Hawaii noong siyay lumayas

11. Kinompiska ng gobernong U.S. ang mga pera sa bangko, mga painting, at propyedad ng mga Marcos na nagkahalaga ng P1 Billion 

12. Pamilya Marcos ay natalo sa kaso nila sa Switzerland; a. Swiss Banks Ordered to Give Marcos Millions to Philippines, b. Switzerland Court Orders Transfer of Ferdinand Marcos Assets to Philippines

13. Noong nailipat na ang mga nakaw na pera sa Philippine National Bank galing Switzerland, balak ng Goberno na gamitin ito bilang pambayad sa mga human right victim. Pero ang pamilya Marcos ay umapela sa Sandiganbayan dahilan na naudlot ang pagbayad sa mga human right victim, at nanalo pa sila. Hindi totoo yung alegasyon ni Bongbong Marcos noong vice-presidential debate na ang LP umano ang humadlang sa pagbayad sa mga human right victim, sa halip ang pamilya nila. Umapela din ang PCGG sa Korte Suprema, at natalo ang pamilya Marcos dahil hindi nila maipaliwanag sa korte kung saan galing ang mga perang nakalagay sa mga Swiss bank.

14. Ill-Gotten Wealth Recognized by the Philippine Supreme Court

15. Filipino panel recovers $1 billion of Marcos assets in 100 days

16. Ang Goberno ng Pilipinas nakarekober ng P174 bilyon galing sa nakaw ng pamilya Marcos, at may P125 bilyon pang pwedeng mabawi

17. Marcos dummy for money laundering held 8 million francs in Swiss bank until 2006

18. Imelda Marcos guilty of 7 counts of graft; court orders her arrest

19. Sandiganbayan orders return of hundreds of millions in Marcos ill-gotten wealth to govt

20. Sandiganbayan orders Marcos’ Traders Royal Bank to pay PH gov’t P96M, $5.4M in Marcos ill-gotten wealth

21. Government to auction Marcos ill-gotten properties

22. Noong terminong Ramos, si Bongbong Marcos ay nag-alok na isauli ang nakaw kapalit ang 25% na kickback

23. Ang ginastos ng pag-aaral ni Bongbong Marcos sa Oxford at Wharton ay galing sa kabangbayan

24. Senator Bongbong Marcos confirmed he had a direct hand in trying to withdraw US$213 Million from a Swiss bank in 1986

25. Bongbong Marcos kombiktado sa hindi pagbayad ng income tax

26. Pamilya Marcos ay ayaw bayaran ang P203.8 billion na estate tax nila

27. Inutosan ng COA si Bongbong Marcos na isauli ang P10 Million pork money

28. Si Bongbong Marcos ay sangkot sa Pdaf scam, sabi ni Janet Napoles mismong opisina ni Bbm ang lumapit sa kanyang opisina, at nag-alok na maglagay ito ng pera sa mga bogus foundation kapalit ang 50% na kickback.

29. Ayon sa COA, si Bongbong Marcos ay naglagay ng P200 Million ‘pork’ sa mga NGO ni Napoles

30. Si Imee Marcos ay harapharapang nagsisinungaling sa senado, tatlong pagbili niya ng mga sasakyan noong gobernadora pa siya ay hindi pala dumaan sa bidding lahat.

31. How Imee Marcos got away from paying $4M in damages for Trajano death

32. Nailipat na ni Irene Marcos ang kanyang 13.2 Bilyon dolyares galing Swiss bank papuntang British Virgin Islands noong 2000. Mas mayaman pa si Irene Marcos kaysa may-ari ng SM

33. Sandiganbayan: Swiss foundations were set up to benefit Marcos family

34. Irene, Imee, and Bongbong Marcos were beneficiaries of Imelda’s Swiss foundations

35. Bakit hindi nakulong ang pamilya Marcos kahit convicted sila sa pagnanakaw?

36. Si Ferdinand Marcos Sr. ay nailathala sa Guiness World of Records bilang pinakakawatan sa isang Goberno

37. Balak ng pamilya Marcos na isauli ang ibang ninakaw nila, ito ay malakas na ebidensya na nagnakaw sila dahil bakit naman nila isauli ang perang sa kanila?

∼ο∼

ALSO READ: Wala bang nagawa si dating pangulong Cory Aquino?

  

Binangkaruta ng pamilya Marcos ang Pilipinas

Hitsura ng EDSA pagkatapos ng 21 na taong panungkulan ni Marcos Sr.. Kiniklim nina Imee at Bongbong na golden age of infrastructure umano yung termino ng ama nila.

Hitsura ng EDSA pagkatapos ng 6 na taong panungkulan ni Noynoy Aquino. Hindi niya kiniklim na may golden age of infrastructue na nangyari sa kanyang termino.

Ang artikulong ito ay sagot sa paninira ng kampo ni Marcos na binangkaruta umano ni Cory ang Pilipinas. Yung yaman umano na ipinundar ni Marcos Sr. ay binangkaruta ni Cory. Hindi pa sapat na pinatay si Benigno Aquino, ang kanilang kasalanan laban sa mga Pilipino ay ipinahid pa sa pamilya Aquino.

Naniwala ba kayo na malimas ni Cory sa anim na taon lang ang yamang naimbak ni Marcos sa loob ng 21 na taon? Imposibleng mangyari yan, ang totoong nangyari, walang nalimas si Cory pag-upo niya dahil linimas na ng pamilya Marcos ang kabangbayan. Si marcos ay nangungutang ng malaki para nakawin kasama ng kanyang mga alipores. Si Imelda ay nagnakaw din, in fact mas malaki pa ang ninakaw niya sa goberno kaysa kanyang asawa. Si Imelda ay gumasta pa ng napakalaki para sa kanyang hilig sa paggala sa ibat-ibang bansa at pagsha-shopping. Mayroon pang pagkakataon na nagsha-shopping si Imelda worth 3 million U.S. dollars sa parehong araw gamit ang pera ng Central Bank. Nang dahil sa pagkawaldasera ni Imelda naisilang ang salitang Englis na ”imeldific”. 

Para sa kaalaaman ng lahat, nabangkaruta ang gobernong Marcos noong 1983 at lubog pa ito sa utang sa halagang 24 bilyon dolyares. Itong nasabing utang ay 72% ng GDP ng Pilipinas noong 1983 kaya hindi nakapagtatakang nadapa ang kanyang goberno. Noong 1985, ang utang ng Pilipinas ay umabot ng 26 Bilyon dolyares, ito ay 82% sa GDP ng Bansa. Halos puro nalang kasi utang at tanggap ng mga donasyon ang ginawa niya. Tapos ninakaw pa nila ang mga donasyon ng ibang bansa para sa mga naghikahos na pamilyang Pilipino. Kaya sumikat ang ukay-ukay sa rehimeng Marcos ay dahil sa matinding kahirapan ng mga Pilipino. Ang ukay-ukay ay nagsimula sa mga segunda manong mga damit na ibinigay ng mga bansa sa Hilagang Amerika at Yuropa para sa naghikahos na mga Pilipino, at hindi naglaon, ginawa itong negosyo ng mga Pilipino. Biruin mo ultimo damit ay hirap makabili ang karamihan sa mga Pilipino noong rehiming Marcos. Kailangan pa nilang mag-iipon sa alkansya nang taonan para makabili ng mga damit sa takdang panahon, kadalasan pagsapit ng pista. Karamihan sa mga tao sa diktadoryang Marcos ay luma o butasbutas ang kanilang mga suot. Pati pante ay butasbutas din tapos isinuot pa rin ito ng mga kababaehan noon dahil sa kawalan ng pambili. Karamihan sa kabataan noon ay walang saplot lalo na sa pang-ibaba, kung mayron mang saluwal ay may butas ito sa puwetang bahagi. Karamihan sa mga estudyante ay pumunta sa paaralan na nakapaa lang, walang bag, walang baon, at minsan walang papel. Plus may bayad pa ang publikong paaralan, kaya di nakapagtaka na bihira lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral kahit elementarya sa rehimeng Marcos. Ang mga tao sa tikdoryang Marcos ay kadalasan pandak din dahil sa kakulangan ng nutrition. Sa panahon ni Marcos, halos lahat ng kalsada ay may lubaklubak, minsan sumakit pa ang puwet mo kapag mahulog ang gulong ng sinakyan mo sa hukab ng kalsada. Sa pagdaan ni Noynoy halos lahat ng mga kalsada ay napasemento niya, at kalidad na daan pa, with 1-foot thick road and reinforced with 1-inch concrete bars. Yung ipinagmalaki ng buildbuild na marami na umano ang natapos nilang kalsada ay 90% bayad na yon sa terminong Noynoy. 

Walang magaling na estratehiya si Marcos kung paano makapag-generate ng malaking income ang goberno niya nang saganon umasenso ito. Para makautang ng malaki at maraming magpautang sa kanya, si Marcos ay gumawa pa ng batas (Presidential Decree 1177) na nag-uutos na unahin ng goberno ang pagbabayad ng utang sa labas kaysa pangangailangan ng mga Pilipino. Ang batas na ito ay tinatawag ding Automatic Appropriations law dahil automatic na kaltasin sa income ng Pilipinas ang halagang ipambayad sa utang. Ang Pilipinas lang ang tanging bansa na may ganitong klaseng batas. Sa tindi ng pagkabangkaruta, si Marcos ay humingi pa ng 90-day moratorium sa mga creditor sa U.S. ng ilang beses. Ang moratorium ay isang palugit (delay of payment) na ibinigay ng mga creditor doon sa mga debtor nilang kapos sa pambayad ng utang katulad ng Pilipinas. Kaya nakakahiya yung nangyari sa Pilipinas sa pamunu ni Marcos na nagmakaawa pa ang bansa sa mga creditor para ipagpaliban nila ang pagsingil ng utang.

Sa ilalim ng tiktadorya ni Marcos ang Pilipinas ay naging mahirap pa sa daga, na binansagan ito ng mundo bilang “sick man of Asia”. Maraming pamilya ang salat sa pagkain lalo na sa Negros. Mga tao noon ay pumipela pa sa mahabang linya para makabili ng pagkain kahit tiktik (powdered bark of palm tree) lang. Ang sikat na singer na si Fredie Aguilar ay gumawa pa ng awit tungkol sa kasalatan ng pagkain sa Negros, hinikayat niya ang kanyang mga tagasunod na tulongan ang mga bata sa Negros dahil may mga namatay sa matinding gutum. Ang mga taga ibang bansa ay nagbibigay ng mga donasyon sa Pilipinas dahil sa matinding kahirapan. Yung Nutribun (libreng tinapay para malabanan ang malnutrition) na ipinagmalaki rin ng pamilya Marcos bilang kanilang akda umano ay donasyon pala ng U.S. Aid. Dagdag pa, si Marcos ay naitala sa Guiness book of Record bilang pinakakawatan na opisyal ng goberno sa buong mundo. Kaya matinding dungis ang ipinahid ng pamilya Marcos sa mukha ng Pilipinas sa harap ng international community. At ang reyalidad na ito ay dumagdag pa sa takot ng mga investor para mamuhunan sa bansa. Sino ba ang mamumuhan sa isang bansang diniktahan ng pinakakawatan sa buong mundo at lubog pa sa utang? Ang masaklap pa, kiniklim nina Imee at Bongbong na golden age yong kapanahonan ng tatay nila. Kung golden age pa yon, bakit nagkautang ng 26 bilyon dolyares ang Pilipinas sa pamunu ng pamilya nila? Bakit maraming mga tao ang walang trabaho at malnourished? Bakit binibigyan ng mga donasyon ang goberno ng tatay nila? Sa katunayan, si Marcos ay regular na tumatanggap ng donasyon galing U.S. para maibsan sana ang kahirapan ng mga Pilipino. Pero ibinolsa ng pamilya ang perang ibinigay at ipinagbili pa ito ng mga magagarang ari-arian sa Amerika. Noong 1986, lumala pa ang sakit ng bansa hanggang sa napilitan si Marcos na mag-decree na ibenta ang ibang ari-arian ng goberno para pambayad ng mga inutang niya. Ang akma sanang sabihin nina Imee at Bongbong ay golden age yon para sa pamilya nila. Ang mag-asawang Ferdinand Sr. at Imelda ay hindi milyonaryo sa pag-upo nila sa Malakanyang  _600,000 pesos lamang ang asset nila. At kahit pa pagsamahin ang mga sweldo nina Ferdinand Sr at Imelda sa loob ng 20 na taon, umabot lamang ng 16,408,442 pesos. Kaya nga natalo sila sa korte ng Switzerland at korte ng Pilipinas dahil hindi nila maipaliwanag kung saan nanggaling yong 356 million dolyares.   

Si Marcos ay nangungutang ng malaki para sa layunin niyang golden age of infrastructure umano. Pero halos wala kang makitang infrastructure na naipatayo niya na matatawag nating big-ticket projects. Kung susumahin natin, mga sampo lang ang naipatayo ni Marcos sa loob ng kanyang 21 na taong panungkulan. So, kalahating infrastructure lamang ang naipatayo niya bawat taon in average. Bakit ba nangyari ito? Dahil hindi naman ang kapakanan ng mga Pilipino ang prayoridad ng gobernong Marcos. Lumikha lang sila ng mga proyekto para magkaroon ng pagkakataong makapagnakaw. Ang estilo ni Marcos Sr. ay ginaya rin ni Duterte, tinatakot ang mga tao sa pamamagitan ng extrajudicial killings, hinahayaan niyang magnakaw ang mga sakop ng kanyang kabinete, at nangungutang ng malaki para umano sa golden age of infrastructure pero kunti lang ang naipatayo. Kaya nga inangkin nalang ng kanyang buildbuild ang mga proyekto ni Noynoy na napaloob sa PPP para magmukha siyang mahusay sa mata ng publiko. Bakit ba mas pinili ni Duterte na mangutang para itustos sa kanyang buildbuild program sa halip na gumamit siya ng PPP na wala sanang gastosin ang goberno? Ito ay dahil kapag PPP system ang gagamitin, ang pribadong sektor ang may hawak ng budget dahil sila ang mag-build ng project. Therefore walang kontrol ang goberno sa financing, at dahil hindi sila ang may hawak ng budget, hindi sila makapagnakaw.  

Ang mga kritiko ni Marcos noon ay pinadampot, pina-torture, pinakulong, at yung iba ay pinaslang pa, kaya dumarami ang nagrebelde. Sa termino ni Marcos nabuo ang dalawang malaking rebel group sa bansa. Noong 1969 nabuo ang CPP-NPA at noong ng 1972 nabuo ang MNLF. Sa umpisa ng panungkolan ni Marcos 60 lang ang bilang ng mga rebelde, pero sa pag-alis niya ay umabot ng mahigit kumulang 5,000 ang bilang ng mga rebelde. Sabi ng mga makaMarcos disiplina daw yung martial law, pero anong nangyari? Umabot ng libolibo ang bilang ng mga rebelde sa halip. Dahil di naman disiplina ang kanilang ginagawa kundi abuso ng karapatang pantao kaya marami ang nag-aklas. Subukan mong abusohin ang anak mo di ba lalaban yan sa iyo. Kagaya rin ni Marcos libolibo rin ang pinatay sa administrasyon ni Duterte. Ang kagulohan sa Pilipinas ay ang pangunahing dahilan kung bakit nagsialisan ang mga negosyante. Walang gustong magnegosyo sa gobernong magulo, walang respito sa batas, at walang paggalang sa karapatang pantao. Wala ring turista ang gustong mamasyal sa bansang barbaro dahil walang seguridad. 

Sa ibaba ay mga link ng mga ebidensya na nagpatunay na nabangkaruta ang gobernong Marcos noong 1983, dahilan na humingi siya ng mga moratorium sa 450 creditors sa pamamagitan ng kanyang prime minister noon na si Cesar Virata. 

1.) Inilathala ng New York Times noong Oktubre 15, 1983 ang paghingi ng Pilipinas ng delay of loan payments sa mga creditor

2.) Noong Septembre 22, 1987, Inilathala ng University of Chicago Press ang pang-ekonomiyang krisis sa Pilipinas dulot ng labis na pangungutang at korapsyon na nangyari sa terminong Marcos https://www.nber.org/system/files/chapters/c7525/c7525.pdf  

3.) Sa Philippine Business Conference noong Nobembre 1983, ipinaalam ni Marcos na ipinadala niya si Cesar Virata sa U.S. para makapag-negotiate ng rescheduling of loan payments, atsaka makahanap ng ibang mautangan aside from 450 creditors. Dito rin sa Philipine Business Conference na ito ay sinabi ni Marcos na bumagsak ang halaga ng peso ng 21.4%  https://www.officialgazette.gov.ph/1983/11/10/address-of-president-marcos-on-the-9th-philippine-business-conference/  

4.) Si Marcos ay humingi ng palugit sa 450 na pinag-utangan niya 

5.) Kahirapang natamo ng mga Pilipino sanhi ng malaking utang at korapsyon ng gobrernong Marcos 

6.) Ang Pilipinas nakaharap sa krisis ng pagkakautang 

7.) Kasaysayan ng ekonomiya ng Pilipinas sa terminong Marcos 

8.) Inilathala ng Inquirer.net ang pagkabangkaruta ng Pilipinas sa terminong Marcos at paghingi niya ng 90-day moratorium sa mga creditor, at massive corruption na ginawa niya. https://opinion.inquirer.net/99481/the-marcos-debt

9.) Ang ugat ng kahirapan ng Pilipinas

10.) Sa taong 2025 pa matapos ang pagbabayad ng mga Pilipino sa inutang ng pamilya Marcos

Watch video: Totoo bang golden age ang diktadoryang Marcos noon? 

∼ο∼

ALSO READ: Mga patunay na nagnakaw ang pamilya Marcos

%d bloggers like this: