Ang mga loyalista at panatiko ng pamilya Marcos ay laging nag-akusa sa pamilya Aquino bilang may-akda ng Hacienda Luisita massacre. Kahit walang ebidensya lage nilang iniugnay ang mga Aquino para mabahiran ang pamilya ng massacre issue. Marami kasing massacre na nangyari sa diktadoryang Marcos noon kagaya ng; Palimbang, Lapiang Malaya, Manili, Bingcul Village, Escalante, at Jabidah massacre. At dahil kalaban nila sa politika ang pamilya Aquino, pinipilit ng mga pulahan na magkaroon din ng massacre issue ang pamilya Aquino para mahila ang pangalan sa ibaba.
Watch: Palimbang Massacre, happened on September 24, 1974
Ang sagot sa tanong sa itaas ay una, walang ebidensyang nag-uugnay sa pamilya Aquino sa nasabing Hacienda Luisita massacre. Pangalawa, hindi lang ang pamilya Aquino ang may-ari ng Hacienda Luisita, ito ay pagmay-ari ng magkapatid na Cojuangco. Kung may foul play mang nangyari ay pwede ring ang ibang shareholder ng Hacienda ang may gawa. Pangatlo, mga polis at sundalo ang nakapatay at nakapinsala ng mga raliyista. Malamang nagkainitan masyado sa pagitan ng otoridad at mga raliyista sa panahong iyon kaya may mga namatay sa kasagsagan ng pagpapaalis ng mga raliyista.
Sa pag-upo ni Cory bilang pangulo, 70% ng kanyang pagmay-ari ay ipinamahagi niya sa kanyang mga anak at sa isang grupo ng kawanggawa na nagngangalang “Daughters of Charity”. Ang opisina ng institusyong ito ay nakatayo din sa lupa ni Cory. Ang natirang 30% ng kanyang share ay ipinamigay niya doon sa mga magsasaka sa ilalim ng kanyang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). At dahil naipamigay na ni cory ang ibang bahagi ng kanyang lupa, maliit nalang ang natirang share ng kanyang mga anak sa nasabing Hacienda. Kaya walang mabigat na rason para pumatay ang pamilya Aquino ng mga magsasaka noong 2004 para protektahan ang kanilang propyedad. Isa pa, bukas-loob ni Cory na isama ang Hacienda Luisita sa CARP na siya rin ang may-akda. Yung agrarian reform ni Marcos ay limitado lamang sa palay at mais na pananim. Pero sa ilalim ng CARP ni Cory, napaloob nito ang lahat ng klaseng agrikultura kasama na ang tubo na siyang pangunahing pananim sa Hacienda Luisita. Makikita natin dito na sa umpisa pa lang, kalooban na ni Cory na ipamahagi ang lupain ng Hacienda Luisita na walang pag-atubili kahit magalit pa sa kanya ang kanyang mga kapatid na mga co-owner ng naturang asyenda. Isipin nyo, sinaktan ni Cory ang kanyang mga kapatid pabor sa mga magsasaka, at ang laki ng halagang mawala sa kanila. Malaking sakripisyo itong ginagawa ni Cory, wala pang nakagawa nito sa kasaysayan ng Pilipinas na may pamilyang handang ipamigay ang kanilang malaking pagmay-ari pati na ang mga malaking pagmay-ari ng kanyang mga kapatid. At pangulo pa ang gumawa nito, na pwede naman niyang kontrolin ang batas maprotektahan lamang ang kanyang kayamanan. Ang ibang pangulo nga dyan ay nagnakaw pa ng bilyones sa goberno at nang-agaw pa ng mga ari-arian ng iba para makapagkamal ng gabundok na yaman.
Noong naging pangulo si Noynoy Aquino, ipinamigay din niya sa mga magsasaka ang natira nilang lupa sa nasabing asyenda. Ang ginawa niyang ito ay pruweba ng kanyang kabutihang loob na matatawag ring isang kabayanihan. Bukod kay Cory at Noynoy, sino pa bang pangulo sa bansang ito o maging sa buong mundo na bukas-loob niyang ipinamigay ang sariling lupain sa mga mahihirap? Nagawa ba ito ng pamilya Marcos na malaking Bilyonaryo? Eh kahit nga pagbayad ng kanilang buwis ay mabigat na sa kanilang kalooban. Kitangkita na walang dahilan para pumapatay ang pamilya Aquino ng mga magsasaka alang-alang sa kanilang lupa dahil sa umpisa pa lang ay itinakda na nilang ipamigay ito sa mga magsasaka. Sa ginawa ng mga Aquino ay mabanaag natin na hindi sila sakim sa kayamanan at maging sa kapangyarihan. Sa pamilya Aquino, si Ninoy at Noynoy lang ang klarong sumali sa politaka. Si Cory ay walang hilig yon sa politika, pinagbigyan lang niya ang sigaw ng sambayanan na tumakbo. Sa katunayan, hindi na siya tumakbo pagkatapos ng kanyang termino. Tinanggal niya ang batas na pwedeng tumakbo ulit ang isang Pangulo. Hindi katulad ng angkang Marcos na halos inubos na nila ang lahat ng klaseng elective positions sa goberno. Magmula kay Mariano Marcos na ama ni Ferdinand Sr. hanggang sa kaapohan niya sa tuhod ay pumasok sa politika. Ginagawang gatasan (cashcow) at hanapbuhay ang goberno nitong mga politikong nag-exercise ng political dynasty. Lagpas 60 years nang hinawakan ng pamilya Marcos ang Ilocos Norte pero hanggang ngayon ay mahirap pa rin ang sariling probinsya, with only 4.6 Billion pesos asset as of 2018. Ang Laoag ay mahirap din, only a third income class City. At halos lahat ng mga munisipalidad ng Ilocos Norte ay nasa fifth, fourth, o third class category. Patunay lang ito na pulpul sila sa pamamahala. At madamut din dahil sa laki ng kanilang yaman, di man lang ginastohan ang sariling probinsya para umangat ang ekonomiya nito. Si Imelda ay may 987 billion dollars, at si Irene Marcos naman ay may 13.2 billion dollars na nakadeposito sa mga bangko ng British Virgin Island. Si Irene ay mas mayaman pa kaysa angkang Sy na may 12.6 billion dollars na yaman as of 2022.
∼ο∼
ALSO READ: False, unproven claims against Aquino family