A.) ANG DYOS AY ESPIRITO. ANG KALULUWA NI HESUS AY SALITA O ESPIRITO NA LUMABAS GALING SA DYOS KAYA SIYA AY DYOS DIN. NILALANG NG DYOS ANG SANLIBOTAN SA PAMAMAGITAN NG KANYANG SALITA, KAYA SI HESUS ANG NAGLALANG NG SANLIBOTAN;

[Awit 104:30] Nang ibinuga mo ang iyong Espiritu, sila ay nalikha, at iyong binabago ang ibabaw ng lupa.

[Awit 107:20] Binigkas Niya ang Kanyang salita at pinagaling sila; Iniligtas niya sila mula sa kamatayan.

B.) NANG NAGKASALA ANG TAO ITINALAGA NG DYOS ANG KANYANG SALITA BILANG KANYANG ANAK SA PAMAMAGITAN NG ISANG DEKRE;

[Awit 89:27] “At itatalaga ko siya upang maging aking panganay, ang pinakadakila sa mga hari sa lupa”

[Awit 2:7] Ipinahayag ng hari ang dekre ng Panginoon: “Sinabi sa akin ng Panginoon, ‘Ikaw ay aking anak. Ngayon ako ay maging iyong Ama.

[1 Juan 3:8] “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo; sapagkat ang diyablo ay nagkakasala mula pa sa simula. Sa layuning ito ay nahayag ang Anak ng Diyos, upang sirain niya ang mga gawa ng diyablo”

[Hebreo 2:14-15] Ngayon, yamang ang mga anak ay may laman at dugo, Siya rin ay nakibahagi sa kanilang pagkatao, upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay mapuksa Niya ang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan, sa makatuwid baga’y ang diyablo, at mapalaya yaong buong buhay nila ay inalipin ng kanilang takot sa kamatayan.

K.) ANG SALITA NG DYOS AY ANDYAN NA BAGO PAMAN ANG KALALANGAN;

(Kawikaan 8:23-29) Mula sa walang hanggan ako ay itinatag, mula sa simula, bago nagsimula ang lupa. Noong wala pang matubig na kalaliman, ako ay inilabas, noong walang bukal na umaapaw sa tubig. Bago pa natatag ang mga bundok, sa harap ng mga burol, ako ay inilabas, Bago niya ginawa ang lupain o mga parang, o alinman sa alabok ng lupa. Nandoon ako noong itinatag niya ang langit, nang Kanyang iguhit ang isang bilog sa mukha ng kalaliman, Nang itatag niya ang mga ulap sa itaas, nang bumulwak ang mga bukal ng kalaliman, Nang magtakda siya ng hangganan sa dagat, upang ang tubig ay hindi hihigit sa Kanyang utos, nang Kanyang markahan ang mga pundasyon ng lupa.

[Juan 17:5] “Ngayon, Ama, luwalhatiin mo Ako kasama ng Iyong sarili, ng kaluwalhatiang taglay Ko sa Iyo bago pa ang sanglibutan.

D.) AT ANG SALITA O ANAK NA ITO AY PUMASOK SA MUNDO SA PAMAMAGITAN NG BABAE PARA SUNDIN ANG KAUTOSAN NA INUUKOL SA TAO NANG SA GANON MAGKAROON NG ‘SINLESS MAN’ ANG SANGKATAOHAN, NA SIYANG KAILANGANIN PARA ANG TAO AY MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN;

[Genesis 3:15] “Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kaniyang binhi; dudurogin niya ang iyong ulo, at kakagatin mo ang kaniyang sakong”

[Juan 16:28] Ako ay nagmula sa Ama at pumasok sa mundo; ngayon ay aalis na ako sa mundo at babalik sa Ama.”

E.) ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN DAHILAN NA NAMATAY ANG UNANG TAO. AT ANG KAMATAYANG ITO AY NASUNOD NG KANILANG ANGKAN. KAYA SA PAGIGING SINLESS MAKAMTAN NATIN MULI ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN. PERO PAANO TAYO MAGING SINLESS KUNG NAGKASALA NA TAYO? AT YAN ANG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKATAWANG TAO ANG SALITA NG DYOS PARA TUBOSIN TAYO;

[1 Corinto 15:21] “Sapagka’t yamang sa pamamagitan ng tao ay dumating ang kamatayan, sa pamamagitan naman ng tao ay manggaling ang muling pagkabuhay ng mga patay”

[Roma 5:19] Sapagkat kung paanong sa pagsuway ng isang tao ang marami ay naging makasalanan, gayon din sa pagsunod ng isang tao ang marami ay magiging matuwid.

G.) KUNG BAKIT HINDI GUMAMIT SI HESUS NG KAPANGYARIHAN PARA IWASAN ANG PAGSUBOK SA BUHAY AY DAHIL ‘PERFECT OR SINLESS MAN’ ANG KAILANGAN NG SANGKTAOHAN PARA SILA’Y MALIGTAS.

[Awit 37:37] Markahan ang perpektong tao, at masdan ang matuwid; Sapagkat may maligayang wakas sa taong may kapayapaan.

[Filipos 2:5-8] Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na kay Kristo Hesus din naman, na siya, bagama’t nasa anyo ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong tagapaglingkod na naging katulad ng tao. At palibhasa’y natagpuan sa anyo ng tao, siya’y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus.

∼ο∼

BASAHIN DIN: Bakit hindi maaaring maging propeta si Muhammad at hindi maaaring mula sa Diyos ang Quran?

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading