Ang mga Arabong Muslim ba ang may-ari ng Palestine? Inagaw ba ng mga Hudyo ang Palestine sa kanila?

Ang Palestine ay ang Canaan, ang lupaing ibinigay ng Diyos sa mga Israelita noong panahon ni Moises [Mga Bilang 34:2]. Ang salitang ‘Palestine’ ay nagmula sa salitang ‘Palaestina‘, isang bersyon ng Latin para sa salitang Griyego na ‘Palaistine‘ na itinitukoy sa isang distrito ng Syria noong ika-5 siglo. Ang ‘Palaistine’ ay isang corrupted word ng Biblikal na pangalan ng isang tribo na tinatawag na ‘Philistine’. Naglaho ang tribong ito nang sakopin sila ng mga Assyrian 800 taon bago si Kristo. Noong nag-aklas ang mga Hudyo laban sa Empiryong Romano 70 na taon pagkatapos ni Hesus, pinalitan ng mga Romano ang pangalang Israel at ang mga lugar na nakapalibot nito bilang ‘Syria Palaestina‘. Ang layunin ng pagpapalit ng pangalan ay upang burahin ang pagkakakilanlan ng mga Hudyo.

Noong ika-anim na siglo, sinakop ng mga Arabong Muslim (Rashidun) ang Israel, Egypt, Jordan, at Syria na noon ay nasa ilalim ng Empiryong Byzantine (Christian). Makalipas ang mahigit 400 taon, napilitang maglunsad ng Krusada ang Simbahang Katolika dahil sa pagkontrol ng mga Muslim sa Banal na Lupain at sa kanilang pagmamaltrato sa mga Kristiyano. Ang pangunahing layunin ay upang bawiin ang Jerusalem (banal na lupain) mula sa pagkakahawak ng mga Muslim. Nabawi ng mga nagkrusada ang Jerusalem mula sa mga Muslim noong taong 1099. Ngunit noong taong 1187, muling nabihag ang Jerusalem ng isa pang grupo ng mga Muslim (Saladin). Noong 1229, muling binuo ulit ang Krusada at nabawi nila ang kontrol sa banal na lupain. Ngunit noong taong 1517, muling nasakop ang Israel ng isa pang grupong Muslim (Ottoman). Ang Empiryong Ottoman ay hinawakan ang banal na lupain sa loob ng 400 na taon hanggang 1917 na tinapos ng Great Britain. Pinahintulotan ng Britanya ang mga nakakalat na mga Hudyo na bumalik sa Israel. Pagkatapos ay iminungkahi ng Britanya ang dalawang Estado upang lutasin ang sigalot sa pagitan ng mga Hudyo at mga Arabo; ang Estadong Hudyo at Estadong Arabo. Ngunit hindi matanggap ng mga Arabo ang nasabing panukala kahit pa man maliit na bahagi lamang ng lupa ang inilaan para sa mga Hudyo. Hindi naglaon, sumiklab ang digmaan ‘anim na araw na digmaan’ sa pagitan ng Israel at ng mga bansang Arabo (Ehipto, Jordan, at Syria). Tinalo ng mga Hudyo ang mga Arabo, at hinawakan nila ang Sinai Peninsula, West bank, Gaza strip, at Golan heights na dating kontrolado ng mga Arabo. Umalis ang Israel sa Sinai Peninsula sa ilalim ng kasunduan sa kapayapaan kasama ang Ehipto noong 1982, at noong 2005, umalis din ang Israel sa Gaza strip. Ang mga Arabo sa Gaza strip ay ginamit ang pangalang ‘Palestine’ upang maging kanilang sariling pagkakakilanlan.

Kaya’t ang slogan na “Free Palestine” ay isang propaganda lamang ng mga Arabong Muslim dahil ang Gaza strip o Palestine ay pinalaya na ng Israel mula noong 2005. Kung hindi umalis ang Israel sa Gaza strip, ang mga Arabo ay hindi makakagawa ng mga naglakihang mga lagosan sa ilalim ng lupa at hindi makakapag-imbak ng mga bigating sandatang pandigma tulad ng mga missile, mga launcher, at mga high-powered na baril. At wala ring Ethnic cleansing na ginagawa ang Israel sa Gaza strip ayon sa paratang dahil ang mga taong naninirahan sa Gaza strip ay hindi etniko kundi mga Arabong dayuhan. Kung ‘Palestinians’ ang pag-uusapan, kabilang na dito ang mga Hudyo dahil nakatira sila sa rehiyong Palestine. Kung tutuosin, ang mga Hudiyo ang tunay na may-ari ng Palestine (Canaan) na ibinigay ng Diyos Mismo sa kanila.

∼ο∼

BASAHIN DIN: BAKIT SI HESUS AY DIYOS?

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading