Ang kapanganakan ni Hesus ay ang pagpasok ng Diyos sa mundo sa anyong tao gaya ng inihula ni propeta Isaias, siya nagpahayag;

[Isaias 9:6] Sapagka’t sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalaki, at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang mga balikat. At siya ay tatawaging Kamangha-manghang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

[Isaias 7:14] Kaya’t ang Panginoon din ang magbibigay sa iyo ng isang tanda: Ang birhen ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, at tatawagin siyang Emmanuel (ang Diyos na kasama natin).

Humigit-kumulang 700 taon bago si Hesus, hinulaan ni propeta Isaias ang pagdating ng Anak. Siya ay ipanganganak sa isang birhen at tatawaging Makapangyarihang Diyos o walang hanggang Ama. Ang mga propesiya sa itaas ay natupad kay Maria, sinabi sa kanya ng anghel Gabriel;

[Lucas 1:30-32] Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot Maria, sapagkat nakasumpong ka ng biyaya sa Diyos. Narito, ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalake, at itatawag mo sa Kanya ang pangalang Jesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa Kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng Kanyang amang si David.

Ang unang mag-asawa ay nahulog sa kasalanan, kaya ang kamatayan ay nakapasok sa mundo. Ang sangkatauhan ay nahiwalay sa kaluwalhatian ng Diyos. Ang Banal na Espiritu na bumihis at nagbigay sa kanila ng buhay na walang hanggan ay nawala sa kanila. Tanging perpekto o walang kasalanan na tao lamang ang makapagsuot ng damit ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos ay naghanap ng isang perpektong tao sa mundo upang maging tagapagligtas ng sangkatauhan, ngunit wala Siyang nakita [Isaias 59:16 at Roma 3:10]. Dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig, inilagay ng Diyos ang gawaing pagliligtas sa Kanyang kamay. Ang tao ang namatay dahil sa kasalanan kung kaya’t ang tao rin ang bumangon galing sa kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit nagtayo ang Diyos ng isang tao at bumuga ng espiritu mula sa Kanya at inilagay sa taong ito [Deuteronomio 18:18, Isaias 61:1, Lucas 4:18, at Juan 14:10]. Ang katawang-tao lamang ni Hesus ang may simula, ngunit ang Kanyang Espiritu ay walang simula at wakas dahil siya ay bahagi ng espiritu ng Diyos. Sa katunayan, ipinahayag ni Hesus na Siya ay walang simula at wakas;

[Juan 8:58] Sinabi sa kanila ni Jesus, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, bago ipinanganak si Abraham, AKO NGA”

[Juan 8:23-24] “Kayo ay mula sa ibaba; Ako ay mula sa itaas. Ikaw ay sa mundong ito; Hindi ako taga mundong ito. Sinabi ko sa inyo na kayo ay mamamatay sa inyong mga kasalanan; kung hindi kayo naniniwala na AKO NGA SIYA, kayo ay tunay na mamamatay sa inyong mga kasalanan.”

[Juan 13:19] “Sinasabi ko sa inyo ngayon bago mangyari, upang kapag nangyari na ay maniwala kayo na AKO NGA.

Ginamit ni Hesus ang pangalan ng Diyos na ibinigay kay Moises sa Juan 8:23-24 at Juan 13:19, Ihambing ang mga talatang ito sa Isaias 43:10 at Exodo 3:13-14;

[Exodo 3:13-14] “Kung ako ay pumaroon sa bayang Israel at sabihin sa kanila, ‘Ang Diyos ng inyong mga ninuno ay nagpadala sa akin sa inyo,’ at sila ay magtanong sa akin, ‘Ano ang kaniyang pangalan?’ sabihin mo sa kanila?” Sinabi ng Diyos kay Moses, “AKO NGA AKO.” At sinabi niya, “Sabihin mo ito sa mga tao ng Israel, ‘AKO NGA nga ang nagpadala sa akin sa inyo’.

[Isaias 43:10] “Kayo ang aking mga saksi,” sabi ng Panginoon, “at aking lingkod na aking pinili, upang inyong makilala at maniwala sa akin at maunawaan ninyo na AKO NGA. Bago sa akin ay walang diyos na inanyuan, ni may susunod sa akin.

“AKO NGA, AKO NGA SIYA, o AKO ANG AKO”, ay titulo ng Diyos na binanggit sa Bibliya. Ito ay nagsasalita tungkol sa Kanyang kailanmang pag-iral; na Siya ay walang simula at wakas, na Siya ang Una at Huli, walang pagbabago kailanman.

Ang tagapagligtas ay dapat isang perpektong tao, kaya’t si Hesus kahit na Diyos din, ay hindi ginamit ang kanyang pagka-Diyos para sa kanyang kalamangan (Filipos 2:6), sa halip ay ginamit niya ang kanyang pagkatao sa ganap na pagsunod sa batas. Kung ginamit ni Hesus ang kanyang kapangyarihan para lampasan ang batas, paano siya magiging walang kasalanan na tao? Paano siya naging matuwid? At paano magiging balido ang kaniyang sakripisyo sa pagliligtas para sa sangkatauhan?

∼ο∼

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading