Paano niluwalhati o dinakila ng Ama at ng Anak ang isa’t isa? Niluwalhati ng Anak ang Ama sa pamamagitan ng pagsasabi sa mga tao na ang Ama ang nagpadala sa kanya, na ang Ama ay mas dakila kaysa sa kanya (Juan 14:28). Nanalangin din si Hesus sa Ama habang pinagmamasdan siya ng mga tao. Sa kabilang panig, niluwalhati ng Ama ang Anak sa pamamagitan ng pagdeklara sa kanya bilang Kanyang minamahal na anak mula mismo sa langit (Marcos 1:11). Marami ang nakasaksi sa pangyayaring iyon at narinig ang tinig ng Ama. Tinawag din niya si Hesus bilang Diyos sa Banal na Kasulatan (Awit 45:6-7 & Hebreo 1:8-9). Nasa ibaba ang mga talata sa Bibliya tungkol sa pagluwalhati sa Diyos;

Sinipi galing sa Lumang Tipan

1. [Isaias 25:1] O PANGINOON, ikaw ang aking Diyos; Itataas kita, magpapasalamat ako sa iyong pangalan; Sapagkat ikaw ay gumawa ng mga kababalaghan, mga planong nabuo noong unang panahon, na may ganap na katapatan.

2. [Isaias 60:9] Tunay na ang mga pulo ay mangaghihintay sa akin, at ang mga sasakyang dagat ng Tarsis ay siyang mangunguna, upang dalhin ang iyong mga anak mula sa malayo, ang kanilang pilak at kanilang ginto na kasama nila, dahil sa pangalan ng Panginoon mong Dios, at dahil sa Banal ng Israel, sapagka’t kaniyang niluwalhati ka.

3. [Awit 34:3] Oh dakilain ninyo ang Panginoon na kasama ko, At sama-sama nating dakilain ang kaniyang pangalan.

4. [Awit 45:6-7] Ang iyong trono O Diyos, ay nananatili magpakailanman, at ang katarungan ang setro ng Iyong kaharian. Inibig mo ang katuwiran at kinapootan mo ang kasamaan; kaya’t Diyos, ang iyong Diyos, ay pinahiran ka ng langis ng kagalakan kaysa sa iyong mga kasama.

5. [Awit 50:15] At tumawag ka sa akin sa araw ng kabagabagan: ililigtas kita, at luluwalhatiin mo ako.

6. [Awit 69:30] Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos sa awit at luluwalhatiin ko siya ng pasasalamat.

7. [Awit 86:12] Pupurihin kita, Panginoon kong Diyos, nang buong puso ko; Luwalhatiin ko ang iyong pangalan magpakailanman. 

Sinipi galing Bagong Tipan 

1. [Mateo 3:16-17] Nang mabautismuhan si Jesus, umahon siya sa tubig. Nang sandaling iyon ay nabuksan ang langit, at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na bumababang tulad ng isang kalapati at bumaba sa kanya. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi, ‘Ito ang aking Anak, na aking minamahal; sa kanya ako ay lubos na nasisiyahan.’

2. [Lucas 3:22] at ang Banal na Espiritu ay bumaba sa Kanya sa anyong katawan na parang kalapati. At isang tinig ang dumating mula sa langit: “Ikaw ang Aking minamahal na Anak; sa Iyo ako ay lubos na nasisiyahan.”

3. [Marcos 1:11] At isang tinig ang dumating mula sa langit: “Ikaw ang aking Anak, na aking iniibig; sa iyo ako ay lubos na nasisiyahan.”

4. [Juan 7:18] Siya na nagsasalita mula sa kaniyang sarili ay naghahanap ng kaniyang sariling kaluwalhatian. Siya na naghahanap ng kaluwalhatian ng nag-utos sa kaniya ay totoo. Sa kaniya ay walang kalikuan.

5. [Juan 7:39] Ang tinutukoy niya ay ang Espiritu, na sa kalaunan ay tatanggapin ng mga nananalig sa Kanya. Sapagka’t ang Espiritu ay hindi pa ibinibigay, sapagkat si Jesus ay hindi pa niluluwalhati.

6. [Juan 8:50] Hindi Ko hinahanap ang Aking sariling kaluwalhatian. May Isang naghahanap nito, at Siya ang Hukom

7. [Juan 8:54] Sumagot si Jesus, “Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, walang kabuluhan ang aking kaluwalhatian. Ang aking Ama, na sinasabi ninyong inyong Diyos, ang siyang lumuluwalhati sa akin.

8. [Juan 12:28] Ama, luwalhatiin mo ang Iyong pangalan!” Pagkatapos ay dumating ang isang tinig mula sa langit: “Niluwalhati ko ito, at luluwalhatiin ko itong muli.”

9. [Juan 13:31-32] Kaya nga, pagkaalis ni Judas, sinabi ni Jesus: Ngayon ay naluwalhati na ang Anak ng Tao. At ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya. Yamang ang Diyos ay naluwalhati sa kaniya, siya naman ay luluwalhatiin ng Diyos sa kaniyang sarili. At siya ay agad niyang luluwalhatiin.

10. [Juan 15:7-8] Kung kayo ay mananatili sa akin at ang aking mga salita ay manatili sa inyo, hingin ninyo ang anumang inyong ibigin at ito ay mangyayari sa inyo. Sa ganito naluluwalhati ang aking Ama na kayo ay magbunga ng sagana at kayo ay magiging mga alagad ko.

11. [Juan 16:14] Luwalhatiin niya ako sapagkat mula sa akin ay tatanggapin niya ang ipahahayag niya sa inyo.

12. [Juan 17:1] Pagkatapos sabihin ito ni Hesus, tumingin siya sa langit at nanalangin: “Ama, dumating na ang oras. Luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang luwalhatiin ka ng iyong Anak.

13. [Juan 17:4-5] Niluwalhati kita sa lupa. Ginanap ko ang gawaing ibinigay mo sa akin upang aking gawin. Ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyong sarili ng kaluwalhatiang taglay ko nang kasama ka bago pa likhain ang sanlibutan.

14. [Mga Gawa 3:13] Ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob, ang Diyos ng mga ninuno natin ay lumuwalhati kay Jesus na kaniyang lingkod. Siya ang inyong ibinigay at inyong ipinagkaila sa harapan ni Pilato na pinasyahan niyang palayain.

15. [Hebreo 1:8-9] Ngunit patungkol sa Anak, sinabi niya: O Diyos, ang iyong trono ay magpakailanman. At ang setro ng katuwiran ang magiging setro ng iyong paghahari. Inibig mo ang katuwiran at kinapootan mo ang hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos. Dahil dito ay pinahiran ka ng Diyos, na iyong Diyos, ng langis ng kaligayahan higit sa iyong mga kasama.

16. [2 Pedro 1:16-19] Ito ay sapagkat hindi kami sumunod sa mga kathang-isip na maingat na ginawa nang ipakilala namin sa inyo ang patungkol sa kapangyarihan at pagdating ng ating Panginoong Jesucristo, kundi nasaksihan namin ang kaniyang kadakilaan. Ito ay sapagkat nakita namin nang ipagkaloob sa kaniya ng Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito ay nangyari nang marinig niya ang gayong uri ng tinig na dumating sa kaniya mula sa napakadakilang kaluwalhatian: Ito ang mina­mahal kong Anak na lubos kong kinalugdan. Narinig namin ang tinig na ito mula sa langit nang kami ay kasama niya sa banal na bundok. Taglay namin ang salita ng mga propeta na lubos na mapagkakatiwalaan. Makakabuting isaalang-alang ninyo ito. Ang katulad nito ay isang ilawan na nagliliwanag sa kadiliman hanggang sa mabanaag ang bukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumikat sa inyong mga puso.

∼ο∼
 
 

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading