Skip to content

Bakit namatay si Hesus kung Siya ay Diyos?

SAGOT

Namatay si Hesukristo para sa ating mga kasalanan, inilibing, at muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Kasulatan. Si Hesus ay isang taong walang kasalanan ngunit pinasan niya ang kasalanan ng sangkatauhan, kaya siya rin ay nakibahagi sa makamundong pagdurusa bunga ng pagsuway sa kautosan. Iniharap niya ang kanyang sarili sa Diyos bilang makasalanang sangkatauhan na pinarusahan ng kamatayan. Inihula ni Propeta Isaias ang tungkol sa nagdurusang Mesiyas, ang tagapagligtas na magpasan ng kasalanan ng nakararami, at tatanggap ng kanilang kaparusahan;

[Isaias 53:4-6] “Tunay na dinala niya ang ating hirap, at dinala ang ating pagdurusa, gayon ma’y ating inisip na siya ay pinarusahan ng Dios, sinaktan niya, at dinalamhati. Nguni’t siya’y sinaksak dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan; ang parusang nagdulot sa atin ng kapayapaan ay nasa kaniya, at sa pamamagitan ng kaniyang mga sugat tayo’y nagsipagaling, bawa’t isa’y tayo’y nagsiparoon na gaya ng ating sariling lakad; at inilagay sa kanya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat”

[Isaias 53:11-12] Pagkatapos ng paghihirap ng Kanyang kaluluwa, makikita Niya ang liwanag ng buhay at malulugod. Sa pamamagitan ng kaalaman sa Kanya, aariing-ganap ng Aking matuwid na Lingkod ang marami, at dadalhin Niya ang kanilang mga kasamaan. Kaya naman, bibigyan Ko Siya ng bahagi kasama ng mga dakila, at hahatiin Niya ang samsam kasama ng mga malakas, sapagkat inialay Niya ang Kanyang buhay hanggang sa kamatayan, at ibinilang Siya sa mga sumalangsang. Gayunpaman, dinala Niya ang kasalanan ng marami at namagitan para sa mga sumalangsang.

KOMENTO: Ang mga talata sa itaas ay hinuhulaan ang kapalaran ni Hesus, na siyang magiging tagapagdala ng ating mga kasalanan at tagapag-alis ng ating kaparusahan. Siya ang magiging tagapamagitan sa Diyos at sa makasalanang sangkatauhan. Bagama’t si Hesus ay Diyos sa espiritu, ay hindi ginamit ang kanyang banal na kapangyarihan para sa kanyang kalamangan, sa halip ay nagpakita siya ng labis na pagpapakumbaba at ginamit ang kanyang pagkatao sa pagdaan sa makamundong pagdurusa. Isaalang-alang ang mga talata sa ibaba;

[Filipos 2:5-8] Taglayin ninyo ang kaisipang ito na nasa kay Cristo Jesus din: Siya, na bagaman nasa anyong Diyos, ay hindi itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos; sa halip, hinubaran Niya ang Kanyang sarili at kinuha ang anyo ng isang alipin, at naging katulad ng mga tao. At nang matagpuan sa anyong tao, ibinaba Niya ang Kanyang sarili at naging masunurin hanggang sa kamatayan—maging sa kamatayan sa krus.

Si Hesus ay may kapangyarihan sa kanyang buhay ngunit sinadya niya itong ibigay upang tubusin ang sangkatauhan, gaya ng sinabi niya;

[Juan 10:18] Walang sinumang makakakuha ng aking buhay mula sa akin. Kusang-loob ko itong iniaalay. Sapagkat may kapangyarihan akong ibigay ito kung kailan ko nais, at bawiin din itong muli. Ito ang iniutos ng aking Ama.

Pagkatapos ng pagkahulog ng unang tao, nagtakda ang Diyos ng isang plano upang sirain ang gawa ni Satanas. Sinabi Niya sa Serpiyenteng si Satanas;

“Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kanyang binhi; dudurugin niya ang iyong ulo, at susugatan mo ang kanyang sakong” [Genesis 3:15].

KOMENTO: Ang ipinangakong binhi na ito ay natupad kay Hesus, na isinilang mula sa isang babae (si Maria). Isinugo ng Ama ang Anak upang wasakin ang mga gawa ng diyablo sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan; upang sa pamamagitan ng kamatayan ni Hesus, mailigtas Niya tayo mula sa kapangyarihan ng kamatayang dulot ni Satanas. Pakibasa po;

“He that commits sin is of the devil; for the devil sins from the beginning. For this purpose the Son of God was manifested, that he might destroy the works of the devil” [1 John 3:8].

Now since the children have flesh and blood, He too shared in their humanity, so that by His death He might destroy him who holds the power of death, that is, the devil, and free those who all their lives were held in slavery by their fear of death. [Hebrews 2:14-15].

Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan [Roma 6:23], ngunit ang lahat ng tao ay makasalanan [Roma 3:23-24], kaya lahat tayo ay nakatakdang mawasak sa laman at sa espiritu. Tanging ang walang kasalanan lamang ang makapasok sa kaharian ng panginoon, ngunit paano tayo magiging walang kasalanan kung tayo ay makasalanan na mula pa noong tayoy ipinanganak [Mga Awit 58:3]? Ang isang makasalanan ay hindi makakonektang muli sa kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sarili. Hinanap ng panginoon ang walang kasalanan o banal na tao upang maging dahilan kung bakit hindi Niya wasakin ang sangkatauhan, ngunit wala Siyang nakitang ni isa [Ezekiel 22:30 & Isaiah 59:16]. Dahil mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan [Juan 3:16], ibinuga Niya ang Kanyang ‘salita’ o ‘espiritu’ upang maging Kanyang ‘anak’ sa pamamagitan ng Kanyang decree [Awit 2:7]. Ang Anak o espiritu ng Diyos ay pumasok sa mundo sa pamamagitan ng pagkasilang sa tao [Isaias 7:14]. Ang naging tao na si Hesus ay sumunod sa kautosan nang hindi napalya kahit sa kamatayan sa krus. Nagkaroon na ng taong walang kasalanan ang sangkatauhan bunga ng ginawa ni Hesus, kaya ang Diyos ay nagkaroon na ng rason upang hindi sila lipulin. Si Hesus ay umasta bilang isang kordero na inihain para alisin ang mga kasalanan ng marami. Pinasan niya ang ating mga kasamaan at namatay para sa atin upang sa pamamagitan niya tayo ay maging matuwid sa paningin ng Diyos [Roma 3:25-26]. Sa pamamagitan ng pagdurusa at paghihirap ni Hesus, ang poot ng Diyos ay napatahimik;

Dahil sa paghihirap ng Kanyang kaluluwa, makikita Niya ito at masisiyahan; sa pamamagitan ng Kanyang kaalaman, ang Matuwid na Aking Lingkod ay magpapawalang-sala sa nakararami, yamang dadalhin Niya ang kanilang mga kasamaan” [Isaias 53:11]

Si Hesus ay sumusunod sa kalooban ng kanyang Ama, ang kanyang kapalaran ay hinula na sa Kasulatan libong taon bago siya ipinanganak. Sa katunayan ang kanyang huling salita ay, “naganap na” [Juan 19:30], na tumukoy sa katuparan ng mga propesiya tungkol sa kanya. Pakisuri ng salita ni Hesus sa kaniyang mga apostol pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay-muli;

“Ito ang mga salitang sinabi ko sa inyo noong kasama pa ninyo ako: na kailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga Propeta, at sa mga Awit” [Lucas 24:44]

Ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos dahilan kung bakit nawala ang kanilang buhay na walang hanggan. Ang kaakibat ng walang kasalanan ay buhay na walang hanggan, habang ang kaakibat ng pagkakasala ay kamatayan. Patay na tayo dahil sa kasalanan, ngunit sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesus maaari din tayong mabuhay muli, ang kailangan lang nating gawin ay maniwala sa kanyang gawaing pagliligtas at sundin ang kanyang kalooban.

Bakit kinailangang manahan ang Espiritu ng Diyos sa isang katawang-tao upang iligtas tayong mga tao? Ang sagot ay;

“Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng tao ay dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din ng tao ay dumating ang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay” [1 Corinto 15:21]

Sapagkat kung paanong dahil sa pagsuway ng isang tao ay naging makasalanan ang marami, gayundin naman, dahil sa pagsunod ng isang tao ay ituturing na matuwid ang marami. [Roma 5:19]

Isa sa mga rason kung bakit kailangang mamatay si Hesus ay para mapuntahan ng Kanyang espirito ang mga espirito ng mga taong namatay sa nakalipas na nakulong sa Espidno upang sila ay pangaralan;

[1 Peter 3:18-19] For Christ also suffered for sins once for all, the righteous for the unrighteous, to bring you to God. He was put to death in the body but made alive in the Spirit, in whom He also went and preached to the spirits in prison.

Maaari bang patayin ang Diyos? Tanging ang katawang-tao lamang ni Hesus ang napatay, ngunit ang kanyang espiritu ay hindi. Kahit tayong mga ordinaryong tao, hindi kayang patayin ni Satanas ang ating mga espiritu. Ang Diyos lamang ang makapatay ng mga espiritu kasama na ang espiritu ni Satanas.

[Mateo 10:28] Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit hindi kayang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Isa na kayang magpahamak kapwa sa kaluluwa at katawan sa impiyerno.

[Eclesiastes 12:7] at ang alabok [na pinagkunan ng Diyos ng katawan ng tao] ay babalik sa lupa gaya ng dati, at ang espiritu ay babalik sa Diyos na nagbigay nito.

[Roma 8:10] Kung si Cristo ay nasa inyo, bagaman patay ang katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ay buhay dahil sa katuwiran.

Bakit hindi ginamit ni Hesus ang kanyang banal na kapangyarihan upang ihinto o laktawan ang mga pagsubok sa buhay? Ang sagot ay kung iniwasan ni Hesus ang makamundong pagdurusa, iyon ay isang pandaraya. Paano siya magiging matuwid o walang kasalanan kung siya ay manloko at labagin ang kautosan? Kung ang kanyang gawaing pagliligtas ay hindi ginawa sa pamamagitan ng kanyang perpektong katauhan, paano ito magiging balido? Dahil ang sangkatauhan ay walang taong perpekto na maging rason upang makamtan muli ang kanilang buhay na walang hanggan, pinunan ni Hesus ang kawalan na ito sa pamamagitan ng ganap na pagsunod sa batas para sa atin. Bilang bunga ng kanyang ginawa, ang sangkatauhan ay nagkaroon na ng taong walang kasalanan. Sa ganitong paraan, iniligtas niya tayo mula sa kamatayan. 

Naging hindi makatarungan ba ang Ama sa pagpapahintulot na patayin si Hesus? Hindi, sapagkat itinaas Niya si Hesus sa pinakamataas na antas, sa pagkaDyos, bilang kapalit nito.

[Awit 89:27] “At siya’y aking itatalaga bilang aking panganay, ang pinakadakila sa mga hari sa lupa.”

[Isaias 52:13] “Narito, kikilos nang may karunungan ang Aking Lingkod; Siya ay itataas, dadakilain, at lubos na pararangalan.”

[Hebreo 2:9] “Ngunit nakikita natin si Jesus, na ginawang mas mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel, na ngayon ay napuputungan ng kaluwalhatian at karangalan dahil sa Kaniyang pagdurusa sa kamatayan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay matikman Niya ang kamatayan para sa lahat.”

[Filipos 2:9-11] “Kaya naman, itinaas Siya ng Diyos sa pinakamataas na kalagayan at ibinigay sa Kanya ang pangalang higit sa lahat ng pangalan, upang sa pangalan ni Jesus ay lumuhod ang lahat—sa langit, sa lupa, at sa ilalim ng lupa—at ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.”

∼ο∼

ALSO READ: 

Kung si Hesus ay Diyos, bakit hindi Niya alam ang Huling Araw?

Kung si Hesus ay Dyos siya ay may simula? 

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe.com

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading