Christianity

Bakit namatay si Hesus kung Siya ay Diyos?

SAGOT: Namatay si Hesukristo para sa ating mga kasalanan, inilibing, at muling nabuhay sa ikatlong araw ayon sa Kasulatan. Si Hesus ay isang taong walang kasalanan ngunit dinala ang mga kasalanan ng sangkatauhan, kaya siya rin ay nakibahagi sa makamundong pagdurusa na bunga ng pagsuway sa batas. Inihaharap niya ang kanyang sarili sa Diyos bilang makasalanang sangkatauhan na pinarusahan ng kamatayan. Inihula ni Propeta Isaias ang tungkol sa nagdurusang Mesiyas, ang tagapagligtas na magdadala ng kasalanan ng marami, at tatanggap ng kanilang kaparusahan;

[Isaias 53:4-6] Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma’y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan. Ngunit siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan; ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo. Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan; at ipinasan sa kanya ng Panginoonang lahat nating kasamaan.

[Isaias 53:12] Kaya’t hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka’t kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma’y dinala niya ang kasalanan ng marami, at namagitan sa mga mananalangsang. 

KOMENTO: Ang mga talata sa itaas ay hinuhulaan ang kapalaran ni Hesus, na siyang magiging tagadala ng ating kasalanan at mananagot ng ating kaparusahan. Siya ang magiging tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng makasalanang sangkatauhan. Si Hesus bagaman Diyos sa espiritu, ay hindi ginamit ang kanyang banal na kapangyarihan sa kanyang kalamangan, sa halip ay nagpakita siya ng labis na pagpapakumbaba at ginamit ang kanyang pagkatao sa pagdanas ng makamundong pagdurusa. Isaalang-alang ang mga talata sa ibaba; 

[Filipos 2:5-8] Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na na kay Cristo Jesus din naman, na siya, bagama’t nasa anyo ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong alipin na naging katulad ng tao. At palibhasa’y natagpuan sa anyo ng tao, siya’y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus.

Si Hesus ay may kapangyarihan sa kanyang buhay ngunit sinadya niya itong ibigay upang tubusin ang sangkatauhan, gaya ng sinabi niya; 

[Juan 10:18] Walang makakakuha ng aking buhay, kundi kusa ko itong ibinibigay. May kapangyarihan akong ibigay ito, at may kapangyarihan din akong bawiin ito. Sinabi ito ng aking Ama sa akin.

Pagkatapos mismo ng pagbagsak ng unang tao, nagtakda ang Diyos ng plano para sirain ang gawain ni Satanas. Sinabi niya sa Serpyenteng si Satanas; 

Maglalagay ako ng alitan sa pagitan mo at ng babae, at sa pagitan ng iyong binhi at ng kaniyang binhi; dudurogin niya ang iyong ulo, at kakagatin mo ang kaniyang sakong” [Genesis 3:15]

KOMENTO: Ang ipinangakong binhing ito ay natupad kay Hesus na isinilang sa isang babae (Maria). Ang dahilan kung bakit ang Anak ay isinugo ng Ama ay upang sirain ang gawain ng diyablo sa pamamagitan ng kanyang kamatayan. Upang sa kamatayan ni Hesus, mailigtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kamatayang dulot ni Satanas. Pakibasa; 

Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diyablo; sapagkat ang diyablo ay nagkakasala mula pa sa simula. Sa layuning ito ay nahayag ang Anak ng Diyos, upang sirain niya ang mga gawa ng diyablo” [1 Juan 3:8]. 

Ngayon, yamang ang mga anak ay may laman at dugo, Siya rin ay nakibahagi sa kanilang pagkatao, upang sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan ay mapuksa Niya ang may hawak ng kapangyarihan ng kamatayan, sa makatuwid baga’y ang diyablo, at mapalaya yaong buong buhay nila ay inalipin ng kanilang takot sa kamatayan. [Hebreo 2:14-15]. 

Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan [Roma 6:23], ngunit ang lahat ng tao ay makasalanan [Roma 3:23-24], kaya lahat tayo ay nakatakdang mawasak sa laman at sa espiritu. Tanging ang walang kasalanan lamang ang makapasok sa kaharian ng panginoon, ngunit paano tayo magiging walang kasalanan kung tayo ay makasalanan na mula pa noong tayoy ipinanganak [Mga Awit 58:3]? Ang isang makasalanan ay hindi makakonektang muli sa kaluwalhatian ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang sarili. Hinanap ng panginoon ang walang kasalanan o banal na tao upang maging dahilan kung bakit hindi Niya wasakin ang sangkatauhan, ngunit wala Siyang nakitang ni isa [Ezekiel 22:30 & Isaiah 59:16]. Dahil mahal na mahal ng Diyos ang sanlibutan [Juan 3:16], ibinuga Niya ang Kanyang ‘salita’ o ‘espiritu’ upang maging Kanyang ‘anak’ sa pamamagitan ng Kanyang decree [Awit 2:7]. Ang Anak o espiritu ng Diyos ay pumasok sa mundo sa pamamagitan ng pagkasilang sa tao [Isaias 7:14]. Ang naging tao na si Hesus ay sumunod sa kautosan nang hindi napalya kahit sa kamatayan sa krus. Nagkaroon na ng taong walang kasalanan ang sangkatauhan bunga ng ginawa ni Hesus, kaya ang Diyos ay nagkaroon na ng rason upang hindi sila lipulin. Si Hesus ay umasta bilang isang kordero na inihain para alisin ang mga kasalanan ng marami. Pinasan niya ang ating mga kasamaan at namatay para sa atin upang sa pamamagitan niya tayo ay maging matuwid sa paningin ng Diyos [Roma 3:25-26]. Sa pamamagitan ng pagdurusa at paghihirap ni Hesus, ang poot ng Diyos ay napatahimik; 

Kanyang makikita ang bunga ng paghihirap ng kanyang kaluluwa, at masisiyahan sa pamamagitan ng kanyang kaalaman. Aariing-ganap ng matuwid kong lingkod ang marami, at papasanin niya ang kanilang mga kasamaan [Isaias 53:11]. 

Si Hesus ay sumusunod sa kalooban ng kanyang Ama, ang kanyang kapalaran ay hinula na sa Kasulatan libong taon bago siya ipinanganak. Sa katunayan ang kanyang huling salita ay, “naganap na” [Juan 19:30], na tumukoy sa katuparan ng mga propesiya tungkol sa kanya. Pakisuri ng salita ni Hesus sa kaniyang mga apostol pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay-muli; 

“Ito ang aking mga salita na sinabi ko sa inyo noong ako ay kasama pa ninyo, na ang lahat ng mga bagay na nasusulat tungkol sa Akin sa Kautusan ni Moises at ng mga Propeta at ng mga Awit ay kinakailangang matupad” [Lucas 24:44]. 

Ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos dahilan kung bakit nawala ang kanilang buhay na walang hanggan. Ang kaakibat ng walang kasalanan ay buhay na walang hanggan, habang ang kaakibat ng pagkakasala ay kamatayan. Patay na tayo dahil sa kasalanan, ngunit sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Hesus maaari din tayong mabuhay muli, ang kailangan lang nating gawin ay maniwala sa kanyang gawaing pagliligtas at sundin ang kanyang kalooban.

Bakit kailangan ng espiritu ng Diyos na manahan sa katawan ng tao upang mailigtas tayong sangkatauhan? Ang sagot ay; 

Sapagka’t yamang sa pamamagitan ng tao ay dumating ang kamatayan, sa pamamagitan naman ng tao ay manggaling ang muling pagkabuhay ng mga patay” [1 Mga Taga-Corinto 15:21]

Sapagkat kung paanong sa pagsuway ng isang tao ang marami ay naging makasalanan, gayon din sa pagsunod ng isang tao ang marami ay magiging matuwid. [Roma 5:19] 

Maaari bang patayin ang Diyos? Tanging ang katawang-tao lamag ni Hesus ang napatay, ngunit ang kanyang espiritu ay hindi. Kahit tayong mga ordinaryong tao, hindi kayang patayin ni Satanas ang ating espiritu. Ang Diyos lamang ang makapatay ng mga espiritu kasama na ang espiritu ni Satanas. 

[Mateo 10:28] Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit hindi nakakapatay ng kaluluwa. Bagkus, matakot kayo sa Isa na kayang wasakin ang kaluluwa at katawan sa impiyerno. 

Bakit hindi ginamit ni Hesus ang kanyang banal na kapangyarihan upang ihinto o laktawan ang pagsubok sa buhay? Kung iniwasan ni Hesus ang makamundong pagdurusa, iyon ay isang pagdaraya. Paano siya magiging matuwid o walang kasalanan kung siya ay isang manloloko at nilabag ang kautosan? Kung ang kanyang gawaing pagliligtas ay hindi ginawa sa pamamagitan ng kanyang perpektong katauhan, paano ito magiging balido? Dahil ang sangkatauhan ay kulang ng isang taong walang kasalanan upang mabawi ang kanilang buhay na walang hanggan, pinunan ni Hesus ang kawalan na ito sa pamamagitan ng ganap na pagsunod sa batas para sa atin. Bilang resulta ng kanyang gawa, ang sangkatauhan ay nagkaroon na ng taong walang kasalanan. Sa ganitong paraan, iniligtas tayo ni Hesus mula sa kamatayan. 

Hindi ba patas ang Ama sa pagpayag na patayin si Hesus? Hindi, dahil itinaas Niya si Hesus sa pinakamataas na lugar bilang kapalit; 

[Awit 89:27] “At itatalaga ko siya upang maging aking panganay, ang pinakadakila sa mga hari sa lupa

[Isaias 52:13] “Narito, ang Aking Lingkod ay kikilos nang may katalinuhan; Siya ay itataas at itataas at lubos na itataas” 

[Hebreo 2:9] “Ngunit nakikita natin si Jesus, na ginawang mababa ng kaunti kaysa sa mga anghel, na ngayon ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, sapagkat Siya ay nagdusa ng kamatayan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay matikman Niya ang kamatayan para sa lahat”

[Filipos 2:9-11] “Kaya’t siya’y itinaas ng Dios sa kataastaasang dako, at binigyan Siya ng pangalan na higit sa lahat ng mga pangalan, upang sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang lahat ng tuhod, sa langit at nasa lupa at nasa ilalim ng lupa, at lahat ng dila. ipahayag na si Jesu-Cristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama

Renz Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

Share
Published by
Renz Silawan

Recent Posts

Beelzebul, Biblical verses

Beelzebul is another name for Satan, below are Biblical verses mentioning about 'Beelzebul' or 'Baal-zebub';…

1 day ago

Ang katotohanan tungkol sa Palestine

Mapa ng Palaestina sa ilalim ng Byzantine Empire noong ikalimang siglo Ang mga Arabong Muslim…

3 months ago

Ang kamatuoran kabahin sa Palestine

Mapa sa Palaestina ilalum sa Empiryong Byzantine Ang mga Arabong Muslim ba ang tag-iya sa…

3 months ago

The truth about Palestine

Map of Palaestina under Byzantine Empire in the 5th century Are Arab Muslims the owner…

3 months ago

The Roles of Jesus in coming to Earth

There were many roles that the Father assigned to Jesus when he came to Earth;…

3 months ago

Jesus died and resurrected according to the Scriptures

For what I received I passed on to you as of first importance: that Christ…

4 months ago