Wala bang nagawa si dating Pangulong Cory Aquino?

Ang Bonifacio Global City ay produkto ng utak ni Cory Aquino

Ang akdang ito ay sagot sa isa sa mga paratang ng kampo ni Marcos laban kay Cory, na wala raw nagawa si Cory Aquino noong siyay umupo bilang pangulo, at binangkaruta pa niya umano ang golden age na ipinundar ni Marcos Sr. noon.

Ang totoo niyan binaligtad nila ang sitwasyon, si Marcos ang may pinakawalang nagawa na naging pangulo sa Pilipinas by ratio of years sa panungkolan. Lingid sa kaalaman ng karamihan nabangkaruta na ang gobernong Marcos noong 1983, at lubog pa ito sa utang sa halagang 24 bilyones dolyares. Ito ay dahil sa labis na pagnanakaw at pagwawaldas ng pamilya Marcos ng kabang-bayan. Tumaas ang bilang ng mga rebelde likha ng pang-abuso ng military. At dahil sa kagulohan, nagsialisan ang mga mamumuhunan sa bansa. Kung ikaw ba ang sumunod na presidente sa ganyang kalagayan ng bansa, anong magagawa mo? Bukod sa mahirapan kang manghikayat ng mga mamumuhunan, kailangan mo pang bayaran ang napakalaking utang. Ang gobernong Cory ay nagbabayad ng mga inutang ni Marcos na mahigit 40% sa income ng bansa. At dahil salat sa budget, tayong mga Pilipino ay hindi makaasang si Cory ay makapagpundar ng mga bigating imprastraktura sa kanyang termino. 

*BUILD-OPERATE-TRANSFER (BOT)*

Pero sa kabila ng lahat, nakagawa pa rin si Cory ng kapuripuring mga bagay. Dahil di kaya ng goberno niya ang magtustos ng malaking proyekto, siya ay nakahanap ng paraan para magkaroon ang bansa ng mga bigating imprastraktura kahit walang budget. Si Cory ay nag-akda ng batas na nagbigay karapatan sa mga pribadong sektor na makagawa ng mga proyekto para sa goberno. Ang batas na ito ay kilala sa tawag na BUILD-OPERATE-TRANSFER (BOT). Sa ilalim ng BOT, ang pribadong kompanya ang siyang mag-BUILD ng proyekto para sa goberno. Pagkatapos ng construction ay i-OPERATE nila ito commercially para makabawi sa kanilang ginastos sa loob ng 20 na taon o mahigit pa, depende sa napagkasunduan sa kontrata. At pagkatapos ng operation, i-TRANSFER nila ang pagmay-ari ng naturang proyekto doon sa Goberno. Sa terminong Gloria, ang BOT ay tinawag niyang PUBLIC-PRIVATE-PARTNERSHIP (PPP). Sa gobernong Noynoy, pinahusay pa niya ang BOT/PPP, dahilan na nagbunga ito ng napakarami at bigating mga proyekto. 

•Noong Hulyo 9, 1990 ay nilagdaan ni dating pangulong Cory Aquino ang “BUILD-OPERATE-TRANSFER” para maging batas. https://www.gppb.gov.ph/laws/laws/RA_6957.pdf

•Ang PPP na pinahusay ni Noynoy Aquino ay nagmula sa batas BOT ni dating pangulong Cory Aquino na kanyang ina. https://ppp.gov.ph/ppp-program/historical-background/

Nang dahil sa BOT law, ang Pilipinas ay nagkaroon ng mga bigatin at world class na imprastraktura. Ang bagong hitsura ng Mactan Cebu International Airport ay nagbigay ng malaking karangalan sa bansa, ito ay inayos sa ilalim ng BOT law. Ang paliparang ito ay umani ng mga parangal dahil sa pagiging kabighabighani at kakaibang desinyo. Isa sa mga parangal na napanalunan ng nasabing paliparan ay iginawad ng World Architecture Festival noong 2019. Ang awarding body na ito ay ang pinakatanyag sa buong mundo sa larangan ng Architectural design. Ang parating na New Manila International Airport at Sangley International Airport ay mga proyekto ring napaloob sa BOT law. Ang mga paliparang ito ay malaki at pang-buong-mundo ang dating, na inaasahang magbigay na naman ng matinding pride at income sa Pilipinas. Ang mahaba at magandang tulay na nagkonekta sa Cordova at mainland Cebu na tinawag na Cordova Cebu Link Expressway (CCLEX) ay nagawa din sa pamamagitan ng BOT o PPP. Ang mga magagandang daan at skyway sa Manila ay naging posible dahil sa BOT o PPP system, at marami pang mga proyektong nakompleto, ginagawa sa kasalukuyan, at nakatakdang gawin sa ilalim ng BOT/PPP ng mga Aquino.

*BASES CONVERSION AND DEVELOPMENT AUTHORITY (BCDA)*

Maliban sa BOT law, si Cory ay nakagawa rin ng isa pang kapuripuring bagay na nagbigay ng malaking income at matinding pride sa bansa. Noong umalis ang militar ng Amerika sa Pilipinas, si Cory ay nagbuo ng grupong maging tagapangasiwa ng mga nabakanteng lote. Ito’y tinatawag na Bases Conversion and Development Authority (BCDA). Ang layunin ng grupong ito ay gagawing mga business district ang dating mga base militar ng Amerika. At ang unang produkto ng BCDA ay ang “Bonifacio Global City”. Ang loteng tinayuan ng BGC ay dating kampo ng mga Amerkano na tinawag na Fort William Mackinley, tapos ibinalik ang pagmay-ari nito sa Pilipinas na tinatawag namang Fort Bonifacio. Ang business district na ito ay magarang at moderno. Karamihan sa mga dayuhang nakapasyal dito ay di nakatiis maliban sa paghanga. Hindi nila lubos akalain na ang Pilipinas na isang third-world country lamang ay mayroon pa lang napakaganda at napakamodernong lugar. At nagkaroon ang Pilipinas nito sa pamamagitan ng initiative ni Cory Aquino. 

Bonifacio Global City was created by Cory Aquino’s BCDA

Pagkatapos ng tagumpay sa paggawa ng naunang business district (BGC), ang grupong BCDA, pinangunahan ni dating pangulong Noynoy, ay sinimulan ang pangalawang business district na pinangalanang ”New Clark City”. Ito’y sakop ng probinsya ng Pampanga, dati itong base militar ng Amerika na pinangalanang Clark Air Base. Ang business district na ito ay napakalawak, napakamagarang, at napakamoderno. Ito ay mas kaakit-akit at malaki kaysa BGC. Sa lawak nito, pwedeng tumira ang 2 milyon ka tao sa lugar na ito. Plano ng bansa na ilipat ang seat of government sa nasabing business district.

The groundbreaking of the New Clark City led by Noynoy Aquino
The New Clark City was envisioned by Cory Aquino and made possible by Noynoy Aquino

READ: https://bcda.gov.ph/news/adb-cites-new-clark-city-model-ppp

KONKLUSYON

Sa mga ebidensyang nakalatag sa ibabaw, malinaw na napakalaki ang naitulong ni dating pangulong Cory Aquino sa ekonomiya ng bansa. Nagawa niya ito kahit pa man nabangkaruta at nalubog pa sa utang ang gobernong nasundan niya. Bukod pa sa utang, inaabala pa ang gobernong Cory ng sunodsunod na mga kudeta orchestrated by Juan Ponce Enrile na tauhan ni Marcos. Ang iniwanan ni Marcos na Pilipinas kay Cory noon ay banwa o agricultural. Ito’y salat sa mga imprastraktura (kagaya ng hotel, paliparan, pagawaan, at iba pa) na nakapag-generate sana ng income. Kaya walang golden age na nangyari sa panahong Marcos dahil saan kukuha ang kanyang goberno ng income? Dagdag pa, ang gobernong Cory ay nakatoon din sa pagsaayos ng saligang-batas. Ibinalik niya ang sistema ng goberno sa demokrasya na ginawang diktadorya ni Marcos.

Kung alisin natin ang mga proyekto na nagawa sa ilalim ng BOT/PPP at BCDA, ano kaya ang hitsura ng Pilipinas ngayon? Kawawang Pilipinas ang makikita natin, sobrang salat sa imprastraktura. Imagine kung wala ang new MCIA, CCLEX, mga skyway, BGC, New Ckark City, SLEX/NLEX, atbp. sa Pilipinas? Ano pang maipagmalaki natin sa international community? Dito natin matanto kung gaano ka laki ang naiambag ni Cory sa ekonomiya ng bansa. Bukod sa BOT law at BCDA, may magandang nagawa rin si Cory para sa Agrarian, employment, at iba pa.

And how about sa pamilyang Marcos, ano bang nagawa nila noon na nakatulong sa ekonomiya nang malaki? Ang sagot ay wala, sa halip kagutom at kahihiyan ang idinulot nila sa mga Pilipino. Imagine, 21 na taon si Marcos Sr. na nakaupo sa Malakanyang noon, pero halos stagnant ang development. Sa panahon ni Marcos naungosan ang Pilipinas ng mga karatig bansa natin partikular na ang Singapore at South Korea. Yung Nuclear Plant sana ang nagawa ni Marcos na matawag nating iconic at makatulong ng malaki sa ekonomiya. Ang kaso itinayo ito sa ibabaw ng faultline at malapit sa mga bolkan. Bakit ba nangyari ito? Kasi hindi kinonsulta ni Marcos ang mga engineer ng bansa. Kasi di naman ang kabutihan ng mga Pilipino ang pangunahing layunin niya sa paggawa ng mga proyekto, kundi para magkaroon ng oportunidad na makapagnakaw. Ang 500 million dollars na hiningi ng kontraktor ng Nuclear Plant ay ginawang 2.2 billion dollars ni Marcos. Ibig sabihin, pinatongan niya ng 1.7 Billion dollars ang presyo. Tatlumpo’t anim na taon na’ng nagbabayad ang nga Pilipino sa inutang ni Marcos, at sa taong 2025 pa ito matapos.

∼ο∼

ALSO READ:

Nang dahil kay Cory, ang lahat ng mga empleyado na nakapagtrabaho ng atleast apat na buwan ay makatanggap ng 13-month pay bonus. Yung 13-month pay ni Marcos noon ay para lang sa mga piling empleyado.

Ipinamasaker ba ng pamilya Aquino ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita?

Author: Renz Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

One thought on “Wala bang nagawa si dating Pangulong Cory Aquino?”

Leave a Reply

Discover more from SilawanTribe

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from SilawanTribe

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading