Ipinamasaker ba ng pamilya Aquino ang mga magsasaka sa Hacienda Luisita?

Ang mga loyalista at panatiko ng pamilya Marcos ay laging nag-akusa sa pamilya Aquino bilang may-akda ng Hacienda Luisita massacre. Kahit walang ebidensya lage nilang iniugnay ang mga Aquino para mabahiran ang pamilya ng massacre issue. Marami kasing massacre na nangyari sa diktadoryang Marcos noon kagaya ng; Palimbang, Lapiang Malaya, Manili, Bingcul Village, Escalante, at Jabidah massacre. At dahil kalaban nila sa politika ang pamilya Aquino, gusto ng mga makaMarcos na magkaroon din ng massacre issue ang pamilya Aquino para mahila ang pangalan nila sa ibaba.

Watch: Palimbang Massacre, happened on September 24, 1974

Ang sagot sa tanong sa itaas ay una, walang ebidensyang nag-uugnay sa pamilya Aquino sa nasabing Hacienda Luisita massacre. Pangalawa, hindi lang ang pamilya Aquino ang may-ari ng Hacienda Luisita, ito ay pagmay-ari ng magkapatid na Cojuangco. Kung may foul play mang nangyari ay pwede ring ang ibang shareholder ng Hacienda ang may gawa. Pangatlo, sangkot ang kapolisan sa barilan kaya may partisipasyon ang otoridad. Malamang nagkainitan masyado sa pagitan ng otoridad at mga raliyista sa panahong iyon kaya may mga namatay sa kasagsagan ng pagpapaalis ng mga raliyista. 

Sa pag-upo ni cory bilang pangulo, 70% ng kanyang lupa ay ipinamahagi niya sa kanyang mga anak at sa isang foundation na tinatawag na “Daughters of Charity”, at ang natirang 30% ng kanyang share ay ipinamigay niya doon sa mga magsasaka sa ilalim ng kanyang Comprehensive Agrarian Reform Program. At dahil naipamigay na ni cory ang ibang bahagi ng kanyang lupa, maliit nalang ang share ng kanyang mga anak sa nasabing Hacienda. Kaya walang mabigat na rason para pumatay ang pamilya Aquino ng mga magsasaka noong 2004 para protektahan ang kanilang propyedad. Isa pa, bukas-loob ni Cory na isama ang Hacienda Luisita sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na siya rin ang may-akda. Yung agrarian reform ni Marcos ay limitado lamang sa palay, mais, cassava, kamote, at iba pang crops. Pero sa ilalim ng CARP ni Cory, napaloob nito ang lahat ng klaseng pananim kasama na ang sugarcane na siyang pananim sa Hacienda Luisita. Kaya sa umpisa pa lang, balak na ni cory na ipamahagi ang kanilang lupain na walang pag-atubili kahit magalit pa sa kanya ang kanyang mga kapatid na co-owners ng naturang asyenda. Isipin nyo, sinaktan ni Cory ang kanyang mga kapatid pabor sa mga magsasaka, at ang laki ng halagang sangkot. Malaking sakripisyo itong ginagawa ni Cory. Isa itong kabayanihan, wala pang nakagawa nito sa kasaysayan ng Pilipinas na ipamigay mo ang malaking pagmay-ari mo pati na ang malaking pagmay-ari ng iyong mga kapatid.

Noong naging pangulo si Noynoy Aquino, ipinamigay niya sa mga magsasaka ang kanilang natirang lupa sa nasabing asyenda. Ang ginawang ito ni Noynoy ay pruweba ng kanyang kabutihang loob na matatawag ring isang kabayanihan. Sino pa ba sa politikong pamilya sa bansa ang nakagawa ng ganito? Nagawa ba ito ng pamilya Marcos na Bilyonaryo? Eh kahit nga pagbayad ng kanilang buwis ay mabigat na sa kanilang kalooban. Kaya walang dahilan na pumapatay ang pamilya Aquino ng mga magsasaka alang-alang sa kanilang lupa.

ALSO READ: https://en.wikipedia.org/wiki/Hacienda_Luisita

Author: Renz Pejana Silawan

The author is just a simple man, He was a carving and carpentry sub-contractor. But lately, he discovered that his true passion is writing. He studied at the University of San Jose-Recoletos, took up Bachelor of Science in Industrial Engineering. The fear of death knocked on his mind when he aquired 3 lumps on his neck in 2010. He realized that the most important thing to a man is eternal life. He found out that the Bible is consistent in its teaching and backed up by spiritual and physical evidences. Today, he is happy knowing that there is a God who will receive him in the afterlife. And he wants to share this discovery to all people who are willing to accept this good news.

Leave a Reply

%d bloggers like this: